At dahil PLDT ang sponsor ay walang choice ang ABS-CBN na hindi ilagay ang napakalaking streamer na ang endorsers ay sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon na napansin ni Tita Aster Amoyo, publicist ng M-Zet Productions at OctoArts Films.
Nakakagulat lang makita ang mga naglalakihang mukha ng tatlong personalidad ng GMA 7 dahil alam naman ng lahat na considered pa ring "competitors" ng taga-Dos sina Tito, Vic at Joey.
Samantala, tanggap naman pala ni bossing Vic na after three years niyang hawak ang korona bilang boxoffice king sa Metro Manila Film Festival na tinalo na siya nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos last MMFF 2006.
Supposedly, pang-apat na taon na sana ni Enteng Kabisote ang 2006, pero na-surpass na ng Kasal, Kasali, Kasalo at okey lang daw sa komedyanteng TV host actor.
"Ang parati naman kasing sinasabi ni Vic ay hindi siya nakikipag-compete sa ibang pelikula kundi sa sarili niyang pelikula na sana malagpasan niya ang kinita ng past year, e, nalampasan ng EK3 ang EK2, so don palang, masaya na siya," paliwanag ni tita Aster.
Pareho pang palabas ang Enteng Kabisote 3 at Kasal, Kasali, Kasalo sa maraming sinehan sa Metro Manila at sabi nga ng taga-Star Cinema, hindi pa nila naibibigay ang bonus nina Ryan at Juday dahil still counting pa rin ang kita ng KKK.
Ang paliwanag sa amin ni Allan, "I was with Tin (palayaw ni Kristine) nung lumabas ang buong cast ng Enteng Kabisote right after the premiere night at walang ganung eksena, siguro ang nakita nila ay nung magpapaalam na kami na bumeso si Tin sa lahat including Oyo at nag-hug pa, pero walang sweet-sweetan or whatever.
"At saka alam naman nating may Diet si Kristine at kung gaano siya ka-in love ron."
Anyway, wala talagang pakialam ang magandang asawa ni Diether sa hiwalayang Oyo at Angel dahil wala siyang ginawa kundi mag-shopping ng mga gagamitin niya para sa Love Spell episode nila ni Diet ngayong February after ng Line To Heaven nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.
Ito ang tsika sa amin ng taga-GMA Films na dalawang pelikula na lang ang ipalalabas nila dahil ready na ang Magic Kamison na hopefully daw ay mag-click since nega nga raw ang dating ngayon ni Gladys.
"Mapapahinga na rin ang pelikula na malaki ang ibinabayad ng Siete kaya malaking challenge ang MK sa ratings game, e di ba, yung Love Spell yata never na natalo sa ratings game nung hindi pa tinapatan ng pelikula?" pahayag sa amin.
At isa pang tsikang narinig naman namin sa mga reporter ng GMA-7 ang Princess Charming ni Eunice Lagunsad o Charming ay hindi na sa hapon ilalagay na kapalit sana ng Now and Forever kundi sa primetime na at ipantatapat daw ito sa Maria Flordeluna na malapit na ring umere? Reggee Bonoan