Ayon kay Rene Mariano at Madam Rosa, merong mga ups-and-downs sa kanilang married life pero magtatagumpay ito. Kahit mas bata si James kaysa kay Kris ay mature ang pag-iisip nito at emotionally stable pa kaya magsasama sila hanggang sa pagtanda, ayon naman kay Madam Rosa.
Kitang-kita naman sa mga mata ni Kris ang kasiyahan at mas maganda ang kanyang aura ngayon sa piling ng asawa at anak.
Si Ruffa Gutierrez ang host ng reality show na prodyus ng Solar Entertainment Corporation at isa rin sa mga myembro ng panel of judges na kinabibilangan nina Robbie Carmona, isang fashion director, ang modelong si Wilma Doesnt, kilalang fashion photographer na si Xander Angeles, Pauline Juan na editor ng isang fashion magazine at si Vince Uy.
Nabigyan ang lahat ng mga kandidata ng psychological interview at psychological exams bukod sa medical exam kung saan kami ang naging psychologist nila. May nagtanong kung bakit ako ang kanilang psychologist. Nirekomenda ako ni Wilson Tieng dahil alam niyang graduate ako ng MA in Education with specialization in Guidance/Counse
ling/Psychology at 10 taong naging guidance counselor ng UE at naging Dean of Student Affairs. Bukod sa pagsusulat, professorial lecturer din ako ng Stress Management.
Nabigyan sila ng experiential learning tungkol sa self-awareness kung saan tinalakay sa one-on-one interview ang interpretation ng drawing na ginawa ng bawat isa na magsisimbulo sa kanilang sarili na maglalarawan ng mga positibo at negatibong mga ugali.
Layunin din ng Group Dynamics na ma-develop ang camaraderie at matalakay ang ibat ibang aspeto ng personalidad hindi lang sa pisikal na kaanyuan. Maganda ang interaction dahil ang mga kandidata ay spontaneous at madali silang nag-open-up ng kanilang sarili at tinalakay ang relasyon sa pamilya, sa mga kaibigan at marami pang iba. EMY ABUAN-BAUTISTA