^

PSN Showbiz

Tatandang magkasama sina Kris at James

-
Naitanong ni Vero Samio nang maging guest kami sa Gandang Ricky Reyes sa mga sikat na psychic kung magtatagal ba ang pagsasama ng mag-asawang sina Kris Aquino at James Yap.

Ayon kay Rene Mariano at Madam Rosa, merong mga ups-and-downs sa kanilang married life pero magtatagumpay ito. Kahit mas bata si James kaysa kay Kris ay mature ang pag-iisip nito at emotionally stable pa kaya magsasama sila hanggang sa pagtanda, ayon naman kay Madam Rosa.

Kitang-kita naman sa mga mata ni Kris ang kasiyahan at mas maganda ang kanyang aura ngayon sa piling ng asawa at anak.
Ruffa, Hosts PNTM
Natapos na rin ang tatlong buwang nationwide search para sa Philippines Next Top Model. Mula sa mga kandidata na nagbuhat pa sa Luzon, Visayas at Mindanao ay pumili ang panel of judges mula sa libu-libong aspirants para maging modelo hanggang naging 27 ang mga ito at finally naging Final 14.

Si Ruffa Gutierrez ang host ng reality show na prodyus ng Solar Entertainment Corporation at isa rin sa mga myembro ng panel of judges na kinabibilangan nina Robbie Carmona, isang fashion director, ang modelong si Wilma Doesnt, kilalang fashion photographer na si Xander Angeles, Pauline Juan na editor ng isang fashion magazine at si Vince Uy.

Nabigyan ang lahat ng mga kandidata ng psychological interview at psychological exams bukod sa medical exam kung saan kami ang naging psychologist nila. May nagtanong kung bakit ako ang kanilang psychologist. Nirekomenda ako ni Wilson Tieng dahil alam niyang graduate ako ng MA in Education with specialization in Guidance/Counse

ling/Psychology at 10 taong naging guidance counselor ng UE at naging Dean of Student Affairs. Bukod sa pagsusulat, professorial lecturer din ako ng Stress Management.

Nabigyan sila ng experiential learning tungkol sa self-awareness kung saan tinalakay sa one-on-one interview ang interpretation ng drawing na ginawa ng bawat isa na magsisimbulo sa kanilang sarili na maglalarawan ng mga positibo at negatibong mga ugali.

Layunin din ng Group Dynamics na ma-develop ang camaraderie at matalakay ang iba’t ibang aspeto ng personalidad hindi lang sa pisikal na kaanyuan. Maganda ang interaction dahil ang mga kandidata ay spontaneous at madali silang nag-open-up ng kanilang sarili at tinalakay ang relasyon sa pamilya, sa mga kaibigan at marami pang iba. — EMY ABUAN-BAUTISTA

vuukle comment

DEAN OF STUDENT AFFAIRS

GANDANG RICKY REYES

GROUP DYNAMICS

JAMES YAP

KRIS AQUINO

MADAM ROSA

NABIGYAN

PAULINE JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with