Christian, Rachelle Ann, enjoy sa kanilang relasyon
January 17, 2007 | 12:00am
Isang dahilan kung bakit panonoorin ng marami ang Feb. 13 concert nina Christian Bautista at Rachelle Ann Go,ang You and Me, sa Aliw theater ay they dont only look good together, they also sound fantastic together. Ang gaganda ng mga sample duets na ipinarinig nila sa press sa launching ng kanilang concert.
At kahit wala naman silang ginagawa kundi ang maghawakan ng kamay, marami pa rin ang kinilig sa kanilang dalawa. Kitang-kita ng lahat kung gaano sila kasaya at ito lamang ay sapat nang dahilan para mapaganda nila ang kanilang kauna-unahang pagsasama sa isang palabas.
Eh ano kung wala silang binanggit na mga kasama sa concert, surprise daw, mapapagod lamang sila ng husto but if two people who are very much in love ang magkasama, walang pagud-pagod yan at kung kinakaya nilang mag-show nang nag-iisa, mamaniin lamang nila ang You and Me nang magkasama.
The Valentine concert also kicks off the duos world concert tour for 2007. Aalis sila ng Agosto for US at baka bago matapos ang taon ay nakapag-Europe na sila.
Mabibili ang mga tiket sa mga ticketnet sa SM stores sa halagang P1,500, P1,200, P800 at P500.
Maswerte naman ang mga graduate ng Pinoy Dream Academy, itinatag nina Direk Laurenti Dyogi at Jon Ilagan ang Dream Big Productions para masiguro na magkakaron ng mga projects ang mga PDA graduates.
Sa pamamahala nina Dyogi bilang Gen. Mgr at Jon bilang Managing Dir., ang Dream Big Prods ay merong talent management agency (Dream Management), record label (Dream Music) at magpo-prodyus din ito ng mga concerts (Dream concerts). Pangunahing artists nito ang PDA Headmasters List of 10 plus RJ Jimenez.
Kasama sa mga unang proyekto nito ay ang paglalabas ng debut solo album ni Grand Star Dreamer Yeng Constantino, isang 10-track na pinamagatang "Salamat". Ipaglalabas din nila ng album si Jay Siaboc na due for release sa susunod na buwan.
Kahit na pumirma sa ibang label sina Ronnie Liang (Universal Records) at Irish Fullerton (Warner Music Philippines), nasa ilalim pa rin sila ng management ng Dream Management.
"They were allowed to sign those contracts because we wanted to join forces with those companies to promote their albums, their machinery, combined with ours, will make it easier for us to do so," ani Jon.
Igagawa rin ng album ng Dream Music ang bandang Cebalo na binuo ng mga graduates na sina Panky Trinidad, Davey Langit, Yvan Lambatan at Eman Abatayo. Ang pangalan ng banda ay kuha sa pangalan ng mga bayan ng myembro nitoCebu (Panky), Baguio City (Davey & Yvan) and Iloilo (Eman) Pawang mga orihinal ang laman ng album na komposisyon ng mga myembro nito, kasama na ang bagong bersyon ng Pinoy Big Brother theme song ("Pinoy Ako") na gagamitin sa 2nd season ng PBB.
Ipoprodyus din ng Dream Concerts ang Dream Concert Tour na tatampukan ng Top Six (Yeng, Jay, Ronnie, Panky, Irish at Chad Peralta. Mapapanood sila sa Cebu Coliseum sa Peb. 2, at sa Expo Filipino Clark Field, Pampanga sa Peb. 10 at sa Aliw theater dito sa Maynila sa Valentines Day.
Ngayong gabi, sa programang Palaban ng GMA, aalamin ni Malou Mangahas sa kanyang Ulat ni Malou kung ano ang nangyayari sa AFP. Kulang na kulang daw ito sa matitinong gamitmula baril, boots, at maging pagkain! Paano nila maipagtatanggol ang bansa sa oras ng pangangailangan?
Sisilipin naman ni Winnie Monsod sa Say Ni Mare ang kontrobersyal na House Bill 345, ang panukalang batas na humihingi ng P125 across the board wage hike. Makatwiran ba ito o sobra-sobra ba ito?
At sa Report ni Miriam, bibigyang mukha niya ang mga kababaihang nalulong sa sugal. May dalawa siyang nakausap, isang dating mayaman na naubos ang ari-arian dahil sa sugal at ang isa na sa swerte sa sugal nabubuhay. VERONICA R. SAMIO
At kahit wala naman silang ginagawa kundi ang maghawakan ng kamay, marami pa rin ang kinilig sa kanilang dalawa. Kitang-kita ng lahat kung gaano sila kasaya at ito lamang ay sapat nang dahilan para mapaganda nila ang kanilang kauna-unahang pagsasama sa isang palabas.
Eh ano kung wala silang binanggit na mga kasama sa concert, surprise daw, mapapagod lamang sila ng husto but if two people who are very much in love ang magkasama, walang pagud-pagod yan at kung kinakaya nilang mag-show nang nag-iisa, mamaniin lamang nila ang You and Me nang magkasama.
The Valentine concert also kicks off the duos world concert tour for 2007. Aalis sila ng Agosto for US at baka bago matapos ang taon ay nakapag-Europe na sila.
Mabibili ang mga tiket sa mga ticketnet sa SM stores sa halagang P1,500, P1,200, P800 at P500.
Sa pamamahala nina Dyogi bilang Gen. Mgr at Jon bilang Managing Dir., ang Dream Big Prods ay merong talent management agency (Dream Management), record label (Dream Music) at magpo-prodyus din ito ng mga concerts (Dream concerts). Pangunahing artists nito ang PDA Headmasters List of 10 plus RJ Jimenez.
Kasama sa mga unang proyekto nito ay ang paglalabas ng debut solo album ni Grand Star Dreamer Yeng Constantino, isang 10-track na pinamagatang "Salamat". Ipaglalabas din nila ng album si Jay Siaboc na due for release sa susunod na buwan.
Kahit na pumirma sa ibang label sina Ronnie Liang (Universal Records) at Irish Fullerton (Warner Music Philippines), nasa ilalim pa rin sila ng management ng Dream Management.
"They were allowed to sign those contracts because we wanted to join forces with those companies to promote their albums, their machinery, combined with ours, will make it easier for us to do so," ani Jon.
Igagawa rin ng album ng Dream Music ang bandang Cebalo na binuo ng mga graduates na sina Panky Trinidad, Davey Langit, Yvan Lambatan at Eman Abatayo. Ang pangalan ng banda ay kuha sa pangalan ng mga bayan ng myembro nitoCebu (Panky), Baguio City (Davey & Yvan) and Iloilo (Eman) Pawang mga orihinal ang laman ng album na komposisyon ng mga myembro nito, kasama na ang bagong bersyon ng Pinoy Big Brother theme song ("Pinoy Ako") na gagamitin sa 2nd season ng PBB.
Ipoprodyus din ng Dream Concerts ang Dream Concert Tour na tatampukan ng Top Six (Yeng, Jay, Ronnie, Panky, Irish at Chad Peralta. Mapapanood sila sa Cebu Coliseum sa Peb. 2, at sa Expo Filipino Clark Field, Pampanga sa Peb. 10 at sa Aliw theater dito sa Maynila sa Valentines Day.
Sisilipin naman ni Winnie Monsod sa Say Ni Mare ang kontrobersyal na House Bill 345, ang panukalang batas na humihingi ng P125 across the board wage hike. Makatwiran ba ito o sobra-sobra ba ito?
At sa Report ni Miriam, bibigyang mukha niya ang mga kababaihang nalulong sa sugal. May dalawa siyang nakausap, isang dating mayaman na naubos ang ari-arian dahil sa sugal at ang isa na sa swerte sa sugal nabubuhay. VERONICA R. SAMIO
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended