Sandara, nag-react sa pamimintas ni Hero sa akting niya
January 16, 2007 | 12:00am
Kamakailan ay nag-guest si Hero Angeles sa kontrobersyal na radio program ni DJ Mo Twister. Sa tanong ng huli sa una kung sino sa tingin nito ang worst actress sa showbiz, ang sinagot ni Hero ay si Sandara Park.
Sa isa pang tanong kay Hero kung sino sa tingin niya ang celebrity na dumaan sa plastic surgery, ang pangalan pa rin ng dating ka-loveteam ang sinagot niya. Katwiran ni Hero, nung umuwi ng Korea si Sandara at sa pagbalik nito sa bansa, napansin daw niya na parang may nabago sa mata ni Sandara. Hindi na raw ito ganun kasingkit unlike before.
Nag-text kami kay Sandara para kunin ang kanyang reaction sa naging pahayag na ito ni Hero laban sa kanya. Narito ang text back niya sa amin.
"Hanggat maaari ay ayaw ko na sanang mag-react, eh, kasi away na naman ito. Kung worst actress ako para sa kanya, okey lang! Opinyon niya lang naman yun, eh. Opinyon ng isang tao lang yun.
"Hindi ko naman sinasabi na magaling akong artista pero OA naman yung worst. Bahala na siya kung yun ang naramdaman niya sa acting ko. Meron din naman nagsasabi na okey ang acting ko. Makikinig na lang ako dun sa mga positive para maganda and Ill always try to improve myself.
"Kung sinabi rin ni Hero na nagpa-plastic surgery ako, gusto ko lang iparating sa kanya na natural po ang mga mata ko. Kurutin niya para malaman niyang hindi ako nagpa-plastic surgery." ROMMEL PLACENTE

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended