"My gosh, I cant imagine Richard doing a lovescene now, marunong na ba siya? I mean, kailan lang, I was just changing his diaper and pinupunasan ko pa yung ano, tapos ngayon, heto doing lovescene na ang kapatid ko? How time flies talaga no?" nakangiting banggit ng magandang sister ng aktor during the press presentation ng PNTP na airing na sa March sa RPN 9.
Kaya nga raw ngayon habang maaga pa ay talagang nakatutok siya sa dalawang anghel ng buhay nila ni Yilmaz na sina Lorraine at Venice dahil bukas makalawa ay may sarili na itong mga lakad.
Edad 21 na si Raine at aminadong ang ate Maureen niya ang kanyang role model dahil as of now ay ang sexy comedienne ang tumitingin sa mga kapatid niya.
Ang ama nilang dating Mayor ng Pulilan, Bulacan ay pumanaw na at ang ina nila ay muling nag-asawa at nasa ibang bansa na ito.
Maging isang international model ang pangarap ni Raine kaya siya sumali sa reality show na PNTM na produced ng Solar Films at gusto niyang maging katulad ng paborito niyang modelong si Giselle Bunchen o si Heidi Klum. REGGEE BONOAN