Angel, muntik mademanda dahil kay Glaiza!

Magkasama sa Asian Treasures sina Angel Locsin at ang kamukha nitong si Glaiza de Castro.

Ayon kay Angel, magaan ang loob niya sa young actress kung saan una silang nagkasama sa Click hanggang lumipat sa Dos si Glaiza.

Kapag ipinakikilala ng magandang aktres si Glaiza sa mga bossing ng GMA 7 ay sinasabi nitong "sister ko" na ikinatataba naman ng puso ni Glaiza.

Isang karanasang di malilimutan ni Angel ay nang muntik na siyang mademanda dahil gaya niya ay kinuha ring endorser ng isang produkto si Glaiza tungkol sa telecommunication.

"Kasi endorser din ako sa isang telecommunication at nang makita nila si Glaiza ay inakala nilang ako yun eh magkalaban kami sa ini-endorsong telecom. Nakita kong magkamukha nga kami," aniya.
Mark, Special Guest Ni Katrina Sa B-Day Party
Naimbitahan kami sa birthday party ni Katrina Halili noong nakaraang Linggo sa Mugen Bar sa MetroWalk at pasasalamat niya ito sa gumagandang career. Mga 10PM na at inaasahan naming dadalo ang mga kasamahan niyang artista sa soap opera o StarStruck pero napansin namin ang dumating lang ng maaga ay si Mark Herras. Iba ang glow sa mga mata ni Kat kahit sabihin niyang magkaibigan lang sila. Pero ang sweet nila nang gabing yun. Nagpa-raffle ang aktres courtesy ng Tanduay na ini-endorsong inuming panlalaki ng seksing aktres.
Sheryl, Kinaiinisan Sa Bakekang
Halos lahat ng taong nanonood ng Bakekang ay nagtatanong kung mabait ba si Sheryl Cruz sa tunay na buhay. Mataray kasi siya at matapobre sa soap opera.

Natutuwa naman si She kahit naiinis sa kanya ang mga tao o nagagalit ang iba dahil pagpapatunay lang na magaling siya at nagagampanan ng mahusay ang role.

"First time kong magkontrabida sa telebisyon. Tapos na ako sa mga pa-sweet-sweet na mga role at gusto kong patunayan ang pagiging versatile ko bilang artista. Hindi naman ako takot na ma-typecast sa character role."
BLIND ITEM: Feeling Sikat Ang Baguhang Aktor
Nanghihinayang kami sa guwapong baguhang aktor na ito na ima-manage sana ng isang sikat na direktor. Nabigyan na nga ito ng movie na maganda ang role dahil nobyo siya ng bida sa kanyang launching movie.

Kaso nagkaroon agad ito ng attitude problem kaya ayaw na siyang i-handle ni Direk dahil sakit lang daw ng ulo.

Nakita namin ang aktor sa isang showbiz affair at akala mo ay sikat na celebrity na gayung wala namang pumapansin sa kanya. Sayang dahil may talent pa naman ito. Maaga pa ay lumaki na ang ulo niya.

Nagbabalik ang aktor na produkto ng isang sikat na afternoon show noon.

Show comments