Pinipilahan sa Qatar
January 14, 2007 | 12:00am
Patuloy na dino-dominate ni Mocha kasama ang kanyang grupong sina Bambi at Hershey ang entertainment circuit sa Doha, Qatar. Hindi lamang mga locals kundi maging ang mga foreigners ay pumipila para lamang siya mapanood sa Qube, ang pinakamalaki at pinakasikat na bar sa Middle East na matatagpuan sa loob ng Ramada Hotel.
Dahilan sa kanyang popularidad, inulan si Mocha ng offer to do product endorsements at para kumanta rin sa Dubai, Bahrain, Abu Dhabi at Oman. Suportado naman siya ng mga kapwa niya Pinoy na dinadayo rin ang mga shows niya.
Ilalabas na sa bansa ang music video ni Mocha ng awiting "I Like the Way. Nakatakda na rin niyang gawin ang kanyang full-length album.
Minsan lamang lumabas dito sa PSN ang Poppys Angels pero inulan na kami ng katakut-takot na mga emails, lahat interesadong makilala ang mga bumubuo ng grupo, saan sila kumakanta at kung sino talaga sila.
Tuwang-tuwa rin ang management ng Diamond Laboratories dahil sa tulong ng Poppys Angels ay mas lumakas ang mga produkto nila na iniendorso ng grupo, tulad ng Kankura, Kankunis, Rhino at Honeymoon teas at Korgivit E.
Maliban sa promotional tours ng grupo, mayron pang singing and dancing engagements sila. Walang tigil din ang pagtunog ng telepono mula sa mga babaeng interesadong maging Poppys Angel.
"Sana naman, di magbago ang pag-uugali ng mga Poppys Angels ko," sey ng road manager ng grupo na si Carmina Florendo.
Makikilala na ang babaeng magpapatibok ng puso ni Jumong, (Song Il Gook), ang makisig na bida sa pinakabagong primetime Koreanovela ng GMA Network. Masasaksihan din kung paano nagsimula ang pagtitinginan nina Jumong at ng napakagandang si Seo-no (Han Hye Jin) na magiging isa sa pinakamagandang kwento ng pag-ibig sa TV.
Ang pag-iibigang nagpabago sa kasaysayan ng Korea, mapapanood Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Bakekang sa GMA Telebabad.
Samantala, lumabas na apat sa programa ng GMA ang nakapwesto sa Top 4 programs sa 4th quarter ng 2006 (Oct.-Dec.) mula sa official Mega Manila TV Households data ng AGB Nielsen Media Phils. Inc.
Ito ang Captain Barbell, No. 1, Bakekang, No. 2, Atlantika, No. 3, 24 Oras, No.4 at nasa No. 5 position ang Kapamilya Deal Or No Deal ng ABS CBN.
Para naman sa Top 5 Daytime Programs, No. 1 ang Eat Bulaga, No. 2, Wowowee (ABS CBN), No. 3, Ghost Fighter (GMA), No. 4, Jewel In the Palace By Popular Demand at tie naman sa No. 5 ang Pilipinas Game KNB? at Daisy Siete. Top 5 News & Public Affairs Programs: 1) 24 Oras, 2) Kapuso Mo Jessica Soho, 3) TV Patrol 4) Imbestigador at 5) XXX Late Night News & Public Affairs Programs: 1) Saksi Liga ng Katotohanan 2) SOCO (Scene of the Crime Operatives) 3) Emergency, 4) I-Witness 5) Flash Report Special Edition.
[email protected]
Dahilan sa kanyang popularidad, inulan si Mocha ng offer to do product endorsements at para kumanta rin sa Dubai, Bahrain, Abu Dhabi at Oman. Suportado naman siya ng mga kapwa niya Pinoy na dinadayo rin ang mga shows niya.
Ilalabas na sa bansa ang music video ni Mocha ng awiting "I Like the Way. Nakatakda na rin niyang gawin ang kanyang full-length album.
Tuwang-tuwa rin ang management ng Diamond Laboratories dahil sa tulong ng Poppys Angels ay mas lumakas ang mga produkto nila na iniendorso ng grupo, tulad ng Kankura, Kankunis, Rhino at Honeymoon teas at Korgivit E.
Maliban sa promotional tours ng grupo, mayron pang singing and dancing engagements sila. Walang tigil din ang pagtunog ng telepono mula sa mga babaeng interesadong maging Poppys Angel.
"Sana naman, di magbago ang pag-uugali ng mga Poppys Angels ko," sey ng road manager ng grupo na si Carmina Florendo.
Ang pag-iibigang nagpabago sa kasaysayan ng Korea, mapapanood Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Bakekang sa GMA Telebabad.
Samantala, lumabas na apat sa programa ng GMA ang nakapwesto sa Top 4 programs sa 4th quarter ng 2006 (Oct.-Dec.) mula sa official Mega Manila TV Households data ng AGB Nielsen Media Phils. Inc.
Ito ang Captain Barbell, No. 1, Bakekang, No. 2, Atlantika, No. 3, 24 Oras, No.4 at nasa No. 5 position ang Kapamilya Deal Or No Deal ng ABS CBN.
Para naman sa Top 5 Daytime Programs, No. 1 ang Eat Bulaga, No. 2, Wowowee (ABS CBN), No. 3, Ghost Fighter (GMA), No. 4, Jewel In the Palace By Popular Demand at tie naman sa No. 5 ang Pilipinas Game KNB? at Daisy Siete. Top 5 News & Public Affairs Programs: 1) 24 Oras, 2) Kapuso Mo Jessica Soho, 3) TV Patrol 4) Imbestigador at 5) XXX Late Night News & Public Affairs Programs: 1) Saksi Liga ng Katotohanan 2) SOCO (Scene of the Crime Operatives) 3) Emergency, 4) I-Witness 5) Flash Report Special Edition.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended