^

PSN Showbiz

Jinggoy, Bong at Rudy magko-concert sa Valentine

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Dahil maraming nag-enjoy sa fund-raising concert nila Senators Jinggoy Estrada and Bong Revilla, Rudy Fernandez, Tirso Cruz III and Phillip Salvador, aba ngayon, hindi na lang basta for a cause ang gagawin nilang pagkanta dahil kakaririn na rin nila.

You read it right. Magkakaroon sila ng post-Valentine concert on February 16. This time, mas ready na sila at mas mahaba ang mga solo spot nila. Mas mahaba na rin ang rehearsal compared noon na madalian ang lahat dahil nag-ipon lang sila ng perang maaaring makatulong noon sa mga biktima ng bagyong Reming sa Bicol.

Meron na rin silang producer this time. Si Ms. Malou Choa-Fagar.

Super excited na si Jinggoy dahil wala na siyang nerbyos na nararamdaman everytime na kumakanta siya.

Pero si Daboy, medyo kabado pa ring kumanta at hindi siya napilit na kumanta sa birthday party ni Ms. Redgie Magno ng GMA 7 sa Wednesday Club. Pero always ready naman si Ms. Lorna T. na mas nagmukhang bagets sa kanyang short hair.

Anyway, sa Zirkoh Greenhills pa rin gaganapin ang nasabing concert nina Jinggoy.

Sa first ‘concert’ nila, jampacked ang nasabing venue. First time nga namang nagsama-sama ang magkakaibigang action star na mag-concert.
* * *
Hindi na naman pala gulat ang mga kakilala ni Gladys Guevarra sa ginawa nilang sudden resignation sa Eat Bulaga. As in ganito rin pala ang ginawa niya sa Gladys and The Boxers. Nang ma-feel daw ni Gladys ang presence ni K Brosas sa grupo noon, bigla itong nag-decide na layasan ang grupo.

Kaya lang ang masama ngayon, may bina-bad mouth daw si Gladys particular na ‘yung mga taong tumulong at nagtanggol sa kanya noong time na nagkaroon sila ng demandahan ni Janno Gibbs.

Remember no’ng mag-celebrate ng 25th anniversary ang Eat Bulaga, nag-file ng kasong oral defamation si Gladys against Janno dahil na-offend daw si Gladys sa mga sinabi ni Janno na biro lang para sa komedyante.

Actually, okey lang naman sanang mag-resign siya kaya lang ‘yung ibinigay niyang health reason daw ang hindi valid dahil nagpapa-interview siya na may sasabihin siyang iba pa.

Naku sana nakipag-usap muna siya sa mga kinauukulan bago siya nagpa-interview ng ganun.

Well, sooner or later naman ay mararamdaman niya rin naman ang pagri-resign niya sa Eat Bulaga dahil hindi na siya magiging busy everyday.
* * *
Pinapaki ng friend kong si Ricky Gallardo:

Sabi ni Ricky, sa pagpasok ng new year ay may bagong entertainment venue na magiging paborito ng mga music lovers, ang Aryan Theater ang newest addition to the growing list of entertainment venues dito sa kalakhang Maynila.

Para raw ito ‘yung sikat na sikat na Arts Venue noon sa may Taft Avenue sa may Malate kung saan sumikat ang napakaraming mga banda nung 80s and 90s. "Napagdesisyunan ng mag-asawang Jae Hwan and Jackie Ko na buhayin muli ang lugar na ito para naman magkaroon ng first rate na concert at performance venue ang marami sa mahuhusay nating singers at banda," say ni Ricky.

Dumaan din daw ng meticulous improvement ang lugar at dinagdagan ng mga lights and sound enhancement ang Aryan ngayon at Arts Venue noon para mas lalong ma-attract ang mga gustong manood ng mga concerts sa Maynila.

May opening salvo ang Aryan ngayong January ayon pa kay Ricky.

Tatlong male performers ang napiling featured artists nila for the month.

Ang R&B prince na si Luke Mejares ay nauna na last Wednesday, January 10. Susundan ito ni Jimmy Bondoc sa January 17 at ng Filipino Chinese singer na si Mike Chan sa January 31.

Magsasama-sama naman ang tatlo sa isang special one-night only show na may pamagat na Fusion sa January 24.

Since may Korean connection ang pamunuan ng Aryan Theater, nagpa-plano rin silang mag showcase ng Filipino artistry sa mga major cities ng Korea ngayong taon.

At since usung-uso ang mga Koreanovelas, may inihahanda rin silang special shows na tatampukan ng mga sikat na Korean artists na stars din ng mga Korean soap opera.

Teka lang, siguro puwede ring mag-show sa Aryan ang Krung Krung na si Sandara Park para suportahan ang Aryan Theater, di ba? Ano sa tingin mo, Joseph Bitangcol? Lalo na nga’t wala na naman siyang masyadong ginagawa.

Para sa ticket reservations sa Aryan theater, please call 410-7957 to 58 or 0918-9022912.

ANG R

ARTS VENUE

ARYAN THEATER

EAT BULAGA

GLADYS

NAMAN

RICKY

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with