Tulad ng kanyang Kuya Aga, si Andrew ay nakagawa na rin ng ilang TV commercials ng Colgate, Lucky Me, Smart Telecom at Bisolvon. Nakagawa na rin siya ng pelikula, ang Super Noypi sa ilalim ng Regal Films. May regular show na rin si Andrew sa telebisyon, ang sinusubaybayang Super Inggo kung saan siya gumaganap sa papel na Teng, isa sa mga heroes ng Power Academy.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Tony Ferrer ay naging superstar nung kanyang kapanahunan nung dekada 60 at dekada 70. Sa kanya nagtatak ang Agent X-44 movie series na kanyang sinimulan sa Kalaban ng Sindikato na kanilang pinagtambalan ni Alberto Alonzo. Si Tony ang gumanap sa papel na Agent X-44 at si Alberto naman sa papel na Agent 69. Itoy dinirek ni Eddie Garcia.
First movie ni Tony ang Kilabot sa Barilan na pinagbidahan nina FPJ at Zaldy Zshornack. At habang tumatagal ay unti-unti nang lumalaki ang kanyang role sa mga pelikulang pinagbibidahan nina FPJ, Joseph Estrada, Romeo Vasquez at iba pa. Taong 1964 nang mabigyan si Tony ng kanyang unang lead role sa pamamagitan ng pelikulang Markong Bagsik kung saan niya naging kapareha si Divina Valencia at mula sa direksiyon ni Armando Garces. Naging hit ito kaya agad siyang binigyan ng kanyang follow-up movie, ang Api Ngunit Lumalaban na pinagtambalan din nila ni Divina Valencia. Si Eddie Garcia rin ang nagdirek ng Sabotage na naging entry sa kauna-unahang Manila Film Festival. Katambal dito ni Tony si Josephine Garcia at naging top-grosser ito sa nasabing festival. The following year, 1967, muling naging top-grosser sa MFF ang Modus Operandi kung saan naman nakatambal ni Tony si Marlene Dauden. Si Eddie Garcia pa rin ang director. Isinunod naman dito ang Tony Falcon: Agent X-44 (Sabotage) na dinirek ni Abrahan Cruz. Ang Sabotage 2 naman ay dinirek ni Efren Pinon. Kung bibilangin, naka-21 na Agent X-44 movie series si Tony. Anupat naging sunud-sunod ang paggawa ng mga pelikula ni Tony na pawang patok sa takilya tulad ng The Specialist, Crisis, Kill Tony Falcon, 7 Deadly Roses, Sabotage 1 & 2, Blue Seal: Mataharis, Boomerang, Kalaban ng Sindikato, Interpol, Trap, Blackmail, Solo Flight, Strategist, Smuggler, Codename Octopus at marami pang iba.
Taong 1972 nang magpakasal si Tony sa dating Mutya ng Pilipinas beauty queen na si Alice Crisostomo na kanyang nakapareha sa pelikulang Golden Child naghiwalay sila pero mayron silang dalawang anak (Mutya at Falcon). May isang anak din siya, si Maricel Laxa kay Imelda Ilonah, si Mark (27) kay Pinky Poblete. Non-showbiz naman ang kanyang kasalukuyang karelasyon na anim na taon na niyang girlfriend.