Ang The Promise ay isang adaptation ng romance classic na The Wuthering Heights ni Emily Bronte na unang ginawa ng Reyna Films nung 90s at nagtampok kina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Walang nakapanood nito ang hindi magsasabing isa yun sa pinaka-magandang pelikula na napanood nila, romantic, sexy and very daring!
Si Raquel Villavicencio ang sumulat ng Hihintayin at maging ng The Promise ngayon pero ginawa niyang malaki ang pagkakaiba ng dalawang pelikula, una ay baka mabigla ang mga manonood sa biglang kambyo nina Angel at Richard sa kanilang mga roles. Meron din silang maraming halikan at lovescenes sa makabagong adaptation at sa mga unang eksenang nakunan ay talagang marami ang bumilib dahil bukod sa napakalakas ng chemistry nila ay parang komportable sila sa kanilang maseselang eksena, walang ilangan at lalong walang hiyaan.
"Mas bata sina Richard at Angel kaya medyo iniba ko ang atake para hindi naman sila mabigla at bumagay ang role sa kanila. Pero hindi na sila pa-tweetums dito at napaka-mature na ng level of acting at characterization nila," ani Raquel.
Ayon sa mga nakapanood ng mga unang shoot, parang sabik na sabik daw ang dalawa sa kanilang halikan. Ang isang halik ni Angel kay Richard ay katumbas ng 10 halikan.
Nagsilbing host ng event si Winnie Cordero at ganundin sina Ogie Diaz, Roxanne Barcelo sa SM Fairview, Sam Concepcion at Ketchup Eusebio sa SM North Edsa, AJ Dee at Toni Gonzaga sa SM Marilao, Dominic Ochoa at Chocoleit sa SM Sucat at Pokwang at Kitkat sa SM Bacoor.
May Price is Light din na magaganap sa SM Megamall, Jan. 19; Feb. 10, SM San Lazaro; Feb. 17, SM Bicutan at Feb. 25, SM Southmall.