Angel, Oyo, nagtitext na sa isat isa
January 12, 2007 | 12:00am
Matapos mabalitang split na sina Angel Locsin at Oyo Boy Sotto, ang tsismis naman ngayon, nagti-text pa raw sila sa isat isa at posible ang isang reconciliation.
Ang nangyari naman kasi sa dalawang yan ay nagkaroon lamang ng kaunting misunderstanding. Tapos bigla na lang kumalat ang balita na split na sila. Kung iisipin mo, posibleng kumalat ang tsismis na yon agad dahil may nakaisip na baka mapag-init noon ang loveteam nina Angel at Richard Gutierrez na may pelikulang inilabas noong Pasko. Kaya nga yong simpleng tampuhan, masyadong pinalaki.
Tungkol naman sa reconciliation, naniniwala kaming posible yan dahil hindi naman napakalaki ng dahilan ng pag-aaway ng dalawang yan. Una, away bata yan. Pangalawa, sa tono ng pananalita ni Angel, hindi ganoon katindi ang dahilan ng kanilang misunderstandings.
Pero may naririnig naman kami na kung magkakaroon man daw ng reconciliation ang dalawa, iintrigahin yan at pipigilin ng ilan na naniniwalang ang kanilang relasyon ay hindi kinakagat ng publiko, at hindi maganda para sa career ni Angel.
Mas malaking star naman kasi si Angel at may nagsasabi na ngayon na pabigat sa kanyang career si Oyo Boy, na kahit na may pangalan naman, hindi pa nga maibibilang sa mga big stars.
Dumadating ang araw na may mga nakikialam na, at karaniwan kung sino ang nasa kampo ng mas sikat na star, gustong ma-eliminate iyong ka-loveteam na mas lesser star.
Malakas ang kutob namin na ngayong napatunayan ang lakas ng loveteam nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, hindi lamang sa tv kung di sa pelikula rin ay tuluyan nang mawawala yang loveteam nina Judy Ann at Piolo Pascual.
Una, mukhang nagsasawa na rin naman ang mga tao sa loveteam nila ni Piolo. Maliwanag din naman kahit na sa mga kantiyawan, mukhang ayaw na rin naman ng iba sa loveteam dahil kung kani-kanino na nga nila inili-link si Piolo. Isa pa, talaga namang tanggap na ng lahat na walang loveteam sa tunay na buhay sina Juday at Piolo.
Ano nga kaya ang magagawa laban sa mga taong gumagamit ng pangalan ng mga artista para makapanloko ng kanilang kapwa? Halimbawa, may nagkakalat sa internet na siya raw ang isang sikat na male dancer sa tv, ginagamit pa niya ang pictures noon at inilalagay sa kanyang personal na website.
Ok lang yon kung katuwaan, kaso ginagamit niya ang pangalan at picture ng sikat na dancer para sa kanyang hindi magandang hanapbuhay. Dapat ma-set up at mahuli yang ganyan.
Ang nangyari naman kasi sa dalawang yan ay nagkaroon lamang ng kaunting misunderstanding. Tapos bigla na lang kumalat ang balita na split na sila. Kung iisipin mo, posibleng kumalat ang tsismis na yon agad dahil may nakaisip na baka mapag-init noon ang loveteam nina Angel at Richard Gutierrez na may pelikulang inilabas noong Pasko. Kaya nga yong simpleng tampuhan, masyadong pinalaki.
Tungkol naman sa reconciliation, naniniwala kaming posible yan dahil hindi naman napakalaki ng dahilan ng pag-aaway ng dalawang yan. Una, away bata yan. Pangalawa, sa tono ng pananalita ni Angel, hindi ganoon katindi ang dahilan ng kanilang misunderstandings.
Pero may naririnig naman kami na kung magkakaroon man daw ng reconciliation ang dalawa, iintrigahin yan at pipigilin ng ilan na naniniwalang ang kanilang relasyon ay hindi kinakagat ng publiko, at hindi maganda para sa career ni Angel.
Mas malaking star naman kasi si Angel at may nagsasabi na ngayon na pabigat sa kanyang career si Oyo Boy, na kahit na may pangalan naman, hindi pa nga maibibilang sa mga big stars.
Dumadating ang araw na may mga nakikialam na, at karaniwan kung sino ang nasa kampo ng mas sikat na star, gustong ma-eliminate iyong ka-loveteam na mas lesser star.
Una, mukhang nagsasawa na rin naman ang mga tao sa loveteam nila ni Piolo. Maliwanag din naman kahit na sa mga kantiyawan, mukhang ayaw na rin naman ng iba sa loveteam dahil kung kani-kanino na nga nila inili-link si Piolo. Isa pa, talaga namang tanggap na ng lahat na walang loveteam sa tunay na buhay sina Juday at Piolo.
Ok lang yon kung katuwaan, kaso ginagamit niya ang pangalan at picture ng sikat na dancer para sa kanyang hindi magandang hanapbuhay. Dapat ma-set up at mahuli yang ganyan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended