Totoong umiyak siya recently pero, para ito sa dalawang kaibigan niya na naghiwalay na, sina Angel Locsin at Oyo Sotto na ini-involve pa siya.
"Natatawa na lang ako sa isyu. Maski si Angel dahil ano ba, three years na kaming wala ni Oyo," pagtatanggol niya.
Sinabi ni Alex na nagiging kaibigan naman niya lahat ng ex niya, including Oyo but except Jeremy. Pero hanggang dun na lang sila ni Oyo. At hindi naman maiiwasan na di sila magkita dahil parati siyang nasa DCafe Restaurant ni Danica (Sotto) na bestfriend niya. "Feeling ko nga parang akin na tong resto. Kabisado ko na lahat ng food dito," sabi niya.
Pero, hindi isang restaurant ang gustong negosyo ni Alex kung saka-sakali.
"Gusto kong magkaron ng isang zoo," sabi niya. "O kaya ay boutique pero, hindi isang restaurant na tulad nito."
Sinabi ni Alex na mahilig siya sa mga hayop pero dahil busy, wala siyang alaga sa bahay kundi isang tsonggo.
First endorsement ni Alex ang Kotex na marami ang nagsasabi ay bagay sa kanyang personalidad, feisty, out-spoken. "Bagay talaga sa akin dahil, hindi bumibigay, matibay, hindi nadedeporma," may pakahulugan niyang sabi.
Nasa kontrata niya na hindi siya pwedeng magpakasal o mabuntis, sa isat kalahating taon na naka-kontrata siya sa Kotex.
Sa MMFF 06 ay dalawa sa mga alaga niya ang maswerteng napasama sa Enteng Kabisote 3, silay sina Irish Enriquez at Kristofer Cruz.
Naging "Babe of the Month" ng isang mens mag ang 22 taong gulang na si Irish na endorser din ng Smart, Rebisco at ilang MTV ng Parokya ni Edgar.
Markado ang role ni Irish sa Enteng na kung saan ay nakipagtagisan siya ng pagpapatawa at kaseksihan kina Ella V at JC Parker.
May taas na 62" ang 24 years old na si Kristofer na nakalabas na rin sa mga commercials. Varsity player ng basketball siya sa isang exclusive school at malaki ang nagawa niya para maipanalo ang koponan niyang Green Team sa Star Olympics.