Sa mga publicity still at album covers ay hindi pinaghihiwalay ang gitara at si Sofia. Bata pa lang si Sofia ay pagtugtog ng gitara ang kanyang binalingan at never siyang nag-aspire na maging recording artist. Aksidente lang kaya siya naging singer. Pinag-research siya ng materials na ipalalaman sa album at siya ang nagsaplaka sa demo. Mainam ang kinalabasan kung kayat hindi na naghanap pa ng ibang singer ang Ivory.
Med-tech ang natapos ni Sofia sa UST. Kamakailan ay nagbitiw siya sa kanyang trabaho as medical technologist to devote her time to singing. She discovered that singing is indeed a full-time job.
Tampok sa bago niyang CD ang mga sumusunod na Latin songs: "Flasa Baiana", "So Nice (Samba de Verao)", "So Em Teus Bracos", "Moro Na Roca (festive dance remix)" and Brazilian inspired cuts tulad ng "You Are The Sunshine Of My Life", "Ill Never Fall In Love Again", "Night and Day", "Ill Take Care of You", "What A Wonderful World" and so many more.
Also out in the market ang double CD ni Sofia na kung saan ipinalaman ang mga awiting itinampok sa unang CD kasama ng mga songs sa pangalawang album. Remy M. Umerez