Piolo, sawa nang ma-link sa kapwa actor

Sa kabila ng pagiging sosyalera at kontrobersyal, sina Britney Spears and Paris Hilton ang nanguna sa taunang worst dressed list ng dating designer na kilala sa Hollywood, ayon sa report ng Reuters sa internet.

Tinawag ang dalawa ng designer na si Mr. Rockwell na "style free and fashion deprived."

Naging magkaibigan ang dalawang celebrity last year at madalas silang makasama sa mga club sa Las Vegas, ayon sa reports.

Isa sa pinaka-controversial na ginawa ni Spears ay nang bumaba siya sa car na walang suot na undies na nakunan ng mga photographers.

Sa local showbiz kaya, sino ang worst dresser?

Meron isang newscaster na kasama, ayon sa isa ring kilalang local designer.
* * *
In fairness, walang masyadong balita sa showbiz. As in, kung anik-anik lang. Kaya naman konting kuwento lang, nagiging malaking issue na.

Buti na lang nga at parang subside na ang issue tungkol kina Angel Locsin and Oyo Sotto after nilang mag-break, ang tungkol kina Lara Morena, Criselda Volks and Tonio Quiazon at ang issue sa Metro Manila Film Festival.

Pero siguradong mabubuhay ang issue sa MMFF pag nagsalita si Mr. Bien Lumbera, isa sa mga board of jurors sa MMFF. May sasabihin daw ito tungkol sa nangyaring bagong ruling sa MMFF at kung paano niya pinaglaban na hindi dapat na nangyari nung gabi ng parangal no’ng festival.

Pero wala pang feedback kung kailan magsasalita si Mr. Lumbera.

Unti-unti na ring nawawala ang issue sa pagri-resign sa Eat Bulaga ni Gladys Guevarra.

Sari-sari na ang speculations sa biglang pagri-resign sa ‘di natitinag na no. 1 noontime show sa TV pero ayaw pa rin nitong magsalita. Nasaan nga ba si Gladys at anong rason niya?

Ayan tuloy ang daming lumalabas na kesyo buntis siya courtesy of Janno Gibbs na matagal nang inili-link sa kanya.

Ay naku, baka nasa kanyang Lugawan Republic d’yan sa may Timog si Gladys.

Kung sabagay, kawalan naman sa part ni Gladys ang ginawa niya kung tutuusin. Sayang ang exposure niya sa no. 1 noontime show.

Anyway, hanggang wala pang malaking kwentong lumalabas sa showbiz sa pagpasok ng Year of the Pig, walang masyadong pag-uusapan. Hanggang speculations and tsismis muna.
* * *
Sawa na si Piolo Pascual sa gender issue. In fact, useless naman daw pag-usapan dahil wala na siyang kailangang i-prove particular na ang tungkol sa kanila ni Sam Milby na nili-link siya. There was a time daw na nakikinig siya sa advice ng iba na kesyo ‘wag muna silang lalabas na magkasama para mawala na ang issue between them, pero nothing happens naman. Tuloy pa rin ang tsismis kaya na-realize niyang ‘wag na lang pansinin ang issue tutal, hindi naman true.

Actually, hindi lang naman kay Sam na-link si Piolo. Kung kani-kaninong actor actually. Pero wala namang maibigay na proof ang mga nang-iintriga kaya tama siguro ang decision ni Piolo na dedmahin na lang ang mga issues.

Sa part ni Sam, ayaw na rin niyang magsalita dahil hindi naman daw siya kilala ng mga taong nagdududa sa gender niya.

Pareho sila actually ng katuwiran kaya hindi sila afraid na pagpiyestahan ang mga malicious items sa kanila. Kaya naman sa February 2 and 3, mapapanood sila sa isang concert dubbed as Heartthrobs sa Music Museum.

First time nila together na magko-concert kaya pareho silang excited.

Sa part ni Sam, honored siya na at this early, nakasama na niya si Piolo na mas matagal na sa showbiz kumpara sa kanya na nag-start lang sa Pinoy Big Brother.

Si Piolo naman, bukod sa concert na ‘to, busy din siya sa shooting ng movie nila ni Regine Velasquez under Viva Films.
* * *
Ang dami pa ring nanonood ng Kasal Kasali Kasalo. As in no’ng minsang mapadaan ako sa cinemas ng Mall of Asia, marami pa ring pumapasok para panoorin ang pelikula.

In fact, according to a source, na-take over na ng movie nina Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo ang Enteng Kabisote. Pero wala pa namang exact figure na inilalabas.

Wait tayo ng official result siguro a week or two weeks from now. Marami kasing sine na kasali sa MMFF ang extended at palabas pa ngayon kaya wala pa talagang masasabing official na kita ang mga pelikulang kasali.

Kaya lang na-take over na nga ng Kasal Kasali Kasalo ang Enteng, ano naman kayang sasabihin ni Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando?

Grabe, every year na lang may issue sa MMFF. Next year kaya ano ang pag-uusapan?
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

Show comments