At kung hindi nominado si Cesar Montano na siyang tinanghal na best actor for Ligalig, ang choice namin na manalo ay si Ryan Agoncillo na binansagang Male Star of the Night. Invigorating ang pagganap ni Ryan at sadyang bagay na bagay silang dalawa ni Juday bilang newly-wed couple sa istorya. Sa husay na ipinamalas ng dalawa ay nakatitiyak kaming may lulutuing bagong proyekto ang Star Cinema para sa magkasuyo sa tunay na buhay.
Ang isa pang ikinaganda ng Kasal, Kasali, Kasalo ay ang pagiging romantic comedy nito. It is also the only movie na may realidad sa tunay na takbo ng pangkasalukuyang buhay.
Ang balita nga namin at maging ang mga hurado ay nagkatinginan na lamang nang ihayag ang pagiging best picture ng Enteng Kabisote 3.
May nagwika rin na among the three series, hindi rin ito ang pinakamaganda. At any rate, tiyak na may installment 4 na mapapanood ang OctoArts for the next MMFFP. Remy Umerez