Alam ng mga movie produ ang criteria sa pagpili ng Best Picture

Tinanong ko si Atty. Espiridion Laxa tungkol sa kontrobersya ngayon sa pagkakapili ng Enteng Kabisote 3 bilang Best Picture sa MMFF.

"Ang objective ng Metro Manila Film Festival ay makapag-raise ng pondo para sa beneficiaries. Aware naman ang mga producers tungkol dito dahil nag-meet kami last year pa para ipaliwanag na iko-consider ang pagiging top grosser ng pelikula para sa Best Picture kung saan 40% ng box office return na kinabibilangan ng commercial viability ang kinunsider. Ito’y bahagi ng rule ng festival. Ang natitirang 60% ay hinati between artistic and technical excellence at global appeal 40% at ang Filipino, cultural values ay 20%. Ang mga moviegoers ay nakibahagi rin para panoorin ang isang pelikula at maging topgrosser," anang chairman ng rules and legal affairs committee.

Sa ganang amin, nagkulang lang siguro ng paliwanag ang MMFF para ipabatid ang ginawang rule sa pagpili ng Best Picture.

Sa kabilang banda, iminungkahi ni Joey Romero na myembro ng MMFF screening committee na rebyuhin uli ang criteria para sa susunod na film festival. May nagmungkahi rin na huwag pag-isahin ang award for topgrosser Best Picture.

Sa kabila ng kontrobersya, naging maganda ang kita ngayon ng MMFF. Ang gross sa opening day ng lahat ng entries 61 million at noong nakaraang taon, sampu pa ang entries ay P57 million lang.

Hindi naman nangangahulugan na tuluyan nang mamamatay ang industriya ng pelikulang Tagalog dahil lang sa kontrobersya.
Angel, Nakaka-Recover Na Sa Break-Up Nila Ni Oyo
Nakausap ko si Ela Locsin, ang nakatatandang kapatid ni Angel at kinumusta ko ang aktres. Ayon sa kapatid, born fighter ang kanyang sister kaya madali itong makaka-recover sa sakit na dulot ng paghihiwalay nila ni Oyo Boy Sotto.

"Marami siyang kaibigan na nasa tabi niya ngayon na umaaliw sa kanya kaya madali siyang nakaka-recover. Idagdag pa ang trabaho niya na magsisilbing therapy para makalimutan ang break-up nila ni Oyo. Hindi si Angel ang tipo ng babae na magmumukmok na lang sa isang tabi at iiyak lang. Marunong siyang magdala ng problema," sey pa ng eldest sister nito.

Hanggang ngayon ay nakatikom pa rin ang bibig nito at ayaw mag-comment tungkol kay Oyo.
Cartoonival, Dinayo Ng Mga Bata
Naging matagumpay ang pagpapalabas ng Cartoonival na nagwakas noong Miyerkules. Napaligaya nito ang mga manonood lalo na ang mga bata dahil sa colorful performances ng kanilang paboritong cartoon network characters.

"The show is visually exciting, fast-paced, participatory and most of all fun," anang direktor.

Si Sashim Parmanand ang executive director ng Cartoon Network Enterprises na nagma-manage ng 14 countries with direct licensing sa Japan at India.

Ang cast ng Cartoonival ay binubuo ng costume characters na sina Bubbles, Blossom, Buttercup, Mojo Jojo, Dexter, DeeDee, Mac, Bloo, Eduardo, Coco, Wilt, Ami, Yumi at sa Live actors sina Barnaby Brightly at various Carnival helpers.

Show comments