Gay movie
January 6, 2007 | 12:00am
Pinag-uusapan pa rin ang split-up nina Angel Locsin at Oyo Boy Sotto. Ang unang sinasabing dahilan ay wala raw kasi silang time sa isat isa, kaya siguro nagkasawaan agad, or nagkapikunan. Wala namang sinasabing third party.
Pero sa totoo lang,ano nga ba ang aasahan ninyo eh mga bata pa naman pareho sina Angel at Oyo. Hindi pa naman masasabing ok na ang desisyon nila. Natural lang sa mga yan na magpalit pa ng isip at maakit lamang dahil sa emotions, o physical attraction. Pero hindi mo pa masasabing seryoso talaga sa love.
Palagay namin, kailangan ang ilang taon pa para mas maging mature ang isipan nila, lalo na nga sa kaso ni Oyo Boy, para masabing in love siya at sigurado na siya sa kanyang nadarama.
Natatandaan namin ang kinalabasan ng isang study na ginawa ng mga lider ng simbahang Katoliko at mga nangungunang psychologists sa isang conference na ginanap noon sa Kenya tungkol sa pagsasama ng mga mag-asawa at ng pamilya. Lumabas sa kanilang pag-aaral na ang mga batang namulat sa broken family, o mga magulang na nakikipaghiwalay at hindi naniniwala sa permanency ng kasal, ay lumalabas na ganoon din.
Pabagu-bago ng isip at kung magkakaroon ng problema makikipag-split sa girlfriend o hihiwalay rin agad sa kanyang asawa. Alam naman natin na ganyan din ang buhay na dinaanan at nakamulatan ni Oyo Boy, kaya siguro natural din sa kanya na maging pabagu-bago pa ang isip. Mas matagal siyang mag-mature.
Sa kaso ni Angel, palagay namin physical attraction lang din naman iyan. Guwapo si Oyo Boy, at naroroon iyon sa panahong depressed siya dahil sa pagkamatay ng kanyang boyfriend noon na pinsan nito, si Miko Sotto.
Kaya siguro madali rin namang nahulog ang kanyang loob kay Oyo Boy.
Inendorso at tinawag na "best picture" ng isang samahan ng mga bakla at tomboy sa Pilipinas yong pelikula ni Joel Lamangan na Zsa Zsa Zaturnnah na kasama si Rustom Padilla. Sinabi nilang maliwanag kasing naipakita sa pelikula ang pagsisikap ng mga bakla at ang mga mithiin nila sa buhay.
Pero kahit na ganoon, at rated A pa mandin ang pelikulang iyon, maski na saling pusa hindi iyon nakasama sa mga best pictures, kasi nga hindi iyon umabot sa quota sa kita na kailangan para matawag kang "best picture" sa festival.
May nagsasabi, baka naman daw talagang hindi na sila pinapanalo dahil noong nakaraang taon pa sinasabi na ni direk Joel at ni Lily Monteverde na hindi na sila interesado sa awards. Hindi ba sinasabi nga nila na hindi na sila sasali sa festival. Pero hindi naman problema iyon eh, dahil iyang best picture ng Metro Manila Film Festival, sa kanila lang iyan. Hindi naman iyan pinaniniwalaan ng iba eh.
Di sinasadyang nagkita sa isang resort-hotel sa Pampanga ang isang bading na matinee idol, at isang dating male sexy star. Pinalapitan agad ng bading na matinee idol ang dating sexy male star sa kanyang kasama at pilit na ipinakukuha ang cell number noon.
Tapos nag-text siya agad na nagtatanong, "Puwede ba tayong mag-date?" Sumagot ang sexy male star, "Kasama ko misis ko," natahimik ang bading.
Pero sa totoo lang,ano nga ba ang aasahan ninyo eh mga bata pa naman pareho sina Angel at Oyo. Hindi pa naman masasabing ok na ang desisyon nila. Natural lang sa mga yan na magpalit pa ng isip at maakit lamang dahil sa emotions, o physical attraction. Pero hindi mo pa masasabing seryoso talaga sa love.
Palagay namin, kailangan ang ilang taon pa para mas maging mature ang isipan nila, lalo na nga sa kaso ni Oyo Boy, para masabing in love siya at sigurado na siya sa kanyang nadarama.
Natatandaan namin ang kinalabasan ng isang study na ginawa ng mga lider ng simbahang Katoliko at mga nangungunang psychologists sa isang conference na ginanap noon sa Kenya tungkol sa pagsasama ng mga mag-asawa at ng pamilya. Lumabas sa kanilang pag-aaral na ang mga batang namulat sa broken family, o mga magulang na nakikipaghiwalay at hindi naniniwala sa permanency ng kasal, ay lumalabas na ganoon din.
Pabagu-bago ng isip at kung magkakaroon ng problema makikipag-split sa girlfriend o hihiwalay rin agad sa kanyang asawa. Alam naman natin na ganyan din ang buhay na dinaanan at nakamulatan ni Oyo Boy, kaya siguro natural din sa kanya na maging pabagu-bago pa ang isip. Mas matagal siyang mag-mature.
Sa kaso ni Angel, palagay namin physical attraction lang din naman iyan. Guwapo si Oyo Boy, at naroroon iyon sa panahong depressed siya dahil sa pagkamatay ng kanyang boyfriend noon na pinsan nito, si Miko Sotto.
Kaya siguro madali rin namang nahulog ang kanyang loob kay Oyo Boy.
Pero kahit na ganoon, at rated A pa mandin ang pelikulang iyon, maski na saling pusa hindi iyon nakasama sa mga best pictures, kasi nga hindi iyon umabot sa quota sa kita na kailangan para matawag kang "best picture" sa festival.
May nagsasabi, baka naman daw talagang hindi na sila pinapanalo dahil noong nakaraang taon pa sinasabi na ni direk Joel at ni Lily Monteverde na hindi na sila interesado sa awards. Hindi ba sinasabi nga nila na hindi na sila sasali sa festival. Pero hindi naman problema iyon eh, dahil iyang best picture ng Metro Manila Film Festival, sa kanila lang iyan. Hindi naman iyan pinaniniwalaan ng iba eh.
Tapos nag-text siya agad na nagtatanong, "Puwede ba tayong mag-date?" Sumagot ang sexy male star, "Kasama ko misis ko," natahimik ang bading.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended