^

PSN Showbiz

Angel, nagregalo sa mga bulag!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Huli man daw at magaling naihahabol din. Kahit tapos na ang Pasko at Bagong Taon ay may pahabol pa ring regalo sa mga mag-aaral ng School for the Blind si Angel Locsin.

Hindi ito nagawa ng aktres noong Pasko dahil sobrang abala siya sa trabaho. Pero ayon sa nakatatandang kapatid nito ay itutuloy ng aktes ang kanyang nakagawian at itataon na lang sa pagbubukas ng klase after ng kanilang Christmas vacation.

Angel is still mending a broken heart dala ng paghihiwalay nila ni Oyo Boy Sotto pero malulusutan din niya ito gaya ng pagkamatay ng nobyong si Miko Sotto.
Patrick, Niregaluhan Pati Nanay Ni Jennylyn
Masugid na manliligaw ni Jennylyn Mercado si Patrick Garcia. Kaya may nagtatanong kung ano ang Christmas gift niya sa magandang aktres.

Hindi lang si Jen ang binigyan ng aktor ng Christmas gift kundi gayundin ang ina nito, niregaluhan niya sila ng bracelet. Pero syempre, ispesyal yung kay Jen.

May intriga sa aktres na nagparetoke daw ng boobs. Ang totoo ay nag-paalis siya ng cyst sa magkabilang dibdib na hindi naman delikado dahil benign ang mga bukol.
Hulaan Mo, Bagong Taon Ko
Muling magbabalik ang hulaan episode sa Sis sa pagpasok ng Bagong Taon. Iba’t ibang medium ang gagamitin ng ating experts per segment ngayong Huwebes sa isang mala-hulaan festival. Magiging panauhin sina Rita Avila, Malou Lamoste at iba pa.
Feeling Hinahabol Ng Fans
Nagtataka ang isang reporter kung bakit nang pumasok sa lobby ang young actress sa isang pamosong teatro sa Kamaynilaan ay kailangan pa nitong tumakbo papasok sa loob.

"Feeling niya, sikat na sikat pa rin siya at may humahabol na fans gayung wala namang pumapansin sa kanya," sey ng mataray na reporter.

Entry ang kanyang pelikula sa MMFF kung saan isa siya sa maraming bida.

ANGEL LOCSIN

BAGONG TAON

BAGONG TAON KO

FEELING HINAHABOL NG FANS

HULAAN MO

JENNYLYN MERCADO

MALOU LAMOSTE

MIKO SOTTO

NIREGALUHAN PATI NANAY NI JENNYLYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with