Mia, ayaw nang isoli ang korona ni Sunshine
January 3, 2007 | 12:00am
Naging masikip na ang daigdig nina Sunshine Garcia at Mia Pangyarihan. Noong mag-celebrate ng Christmas ang Focus E. Inc. para sa kanilang staff na ginanap sa antigong bahay ni Ms. Timmy Cruz ay halatang nag-iiwasan ang dalawa. Ayaw magkalapit ng upuan.
Nagbakasyon lang kasi sumandali si Sunshine, biglang si Mia na ang bagong may hawak ng titulong "Kontrabida Queen" ng Focus E. Inc.
"Bakit ko isosoli, hindi ko naman ito hiniram? Hindi ko rin hiningi. Aber nga?" mataray na pahayag ni Mia sa kasuotang white na white ng gabing yon.
Kapansin-pansin, panay ang bulungan nila ni Jordan Herrera. Naku, totoo kaya ang tsismis na sila na ngayon. Nagka-developan daw noong season 12.
Hindi inamin ni Mia na kaya muling napasali si Jordan sa season 13 ay nilakad niya ito sa producer na si Joy Cancio.
"Aba, nagustuhan ni Ate Joy, ang acting ko, anong magagawa ko?" dagdag pa ni Mia kahit wala namang nagtatanong.
Ang saya-saya ng party ng Sexbomb. May mga production numbers na magugulat ka, dahil mga barakung-barako ang hitsura, pero sumasayaw ng Daisy Siete. Para tuloy nagkalat ang bading ng gabing yon. Hindi mo na alam kung sinong may berde ang dugo at sino ang wala.
Sina Irene, Ona, Tetet at Evelyn ang namahala sa mga pa-raffle.
Nagkaroon muna ng mass, bago nagsimula ang party. Marami ang na-shocked sa galing gumiling ng asst. director ni Pat Perez na si Cathy Rivera. Nanalo si Rochelle ng 1 sack of rice pero ibinigay sa iba. Mahirap daw magdala. Siguro ayaw niyang magdala ng bigas dahil naroon yung poging Japanese na balitang ka-on ngayon ni Rochelle.
Sumayaw din sina Jordan Herrera, Jabo Monis, Jack Rodrigo, Ricky Rivero. Naroon din sina Weng, Yvette, Izzy, Louise Bolton, Myka Bautista, Halina Amiri, bagong Sexbomb girl, kasama sina Viona.
Bumaha ng pa-raffle ng gabing yon. At umulan din ng pera galing kay Ms. Joy Cancio. Ang katwiran niya, share your blessing. Sana, lahat ng TV producers ay katulad niya. Hindi maramot sa kapwa. VIR GONZALES

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am