May mga tanong kami tungkol sa mga artista na sinagot nila.
Isa sa mga tanong namin ay kung sino sa mga kabataang artista ang nakikita nilang susunod sa yapak ni Judy Ann Santos. Nagkakaisa ang tatlong manghuhula sa pagsasabing si Jennylyn Mercado ang posibleng maging katulad ni Juday na isang magaling na dramatic actress at mahusay din sa komedi. "Bukod sa may ibubuga sa pag-arte ay propesyonal pa rin ito," anila.
Sa kabilang banda, sinabi ni Becky Aguila na kaya hindi nakadalo sa MMFF Awards Night si Jen dahilan sa isang linggo na itong maysakit dahil sa broncho-pneumonia at kinakailangan siyang magpahinga ayon sa doctor nito.
Ayon kay Rene, hanggang pagkakaibigan lang ang dalawa at hindi na ito tutuloy pa sa isang seryosong relasyon.
Binigyan din nila ng babala si Teri Onor na may negosyo sa pabango na hindi magiging maganda ang pasok ng pera sa negosyong ito, baka malugi lang siya.
Hawak pa rin ni Angel Locsin ang bandera bilang pinakasikat na young star sa kasalukuyan kaya lang pinagpapayuhan din itong maghinay-hinay lang sa sobrang puyat at pagod dahil baka makasama ito sa kanyang kalusugan.
Pangarap din nito na makatulong sa mahihirap at kapag kumikita na siya ay tutulong siya sa orphanage o kayay magtatayo ng foundation para magbigay ng scholarship sa mahihirap na deserving na mag-aaral. Gusto muna niyang makatulong sa kanyang pamilya kung saan half-Chinese si Hazel.
Idolo niya si Regine Velasquez at matagal na niyang crush si Richard Gutierrez. "Sana po makasama ko siya balang araw sa telebisyon dahil idolo ko siya," aniya.
Nag-aaral ito sa University of San Carlos at kumukuha ng Industrial Engineering pero pansamantalang huminto para mag-concentrate sa StarStruck 4.