Maraming ideya si Michael V.

Ang daming naaaliw sa bagong album ni Michael V, "Michael V, The Bubble G Anthology." As in aliw sila sa mga music videos na spoof ng sikat na Tagalog songs nina Kitchie Nadal, Kamikazee, Ogie Alcasid at marami pang iba.

Magandang panlagay sa iPod. Pag nabo-bore ka at walang magawa, magandang panoorin dahil sobrang nakakaaliw.

Napadaan lang nga sa audio and video store ang isang friend ko na nasa monitor ang video ni Michael V, naengganyo na siyang bumili — 2 disc set (special edition audio and video), worth P295. Wala lang, naaliw lang siya sa video ni Michael kaya right away buy siya ng album.

Kaya lang ang siste, hindi ma-recognize sa computer kaya hindi mai-transfer sa iPod. Sad. Kasi na-excite pa naman kaming panoorin sa iPod. Ang ending, sa DVD player na lang namin pinanood.

Naku sobrang riot ang album. Actually, sa Bubble Gang unang napanood ang mga videos at maraming naaliw kaya siguro naisipan ng GMA Records na i-compile ito na ngayon ay best seller sa mga music stores. Kasama sa album ang "Joy In My Heart," "Hindi Ako Bakla," "DJ Bumbay," "‘Wag N’yo Kaming Pansinin," "Isaw Nga" at "May B.O Na Ako." Ang galing-galing ni Michael V. Ang daming naiisip na new ideas.
* * *
Magkakaroon na ng victory party ang Enteng Kabisote ngayong araw. Siguradong darating si Vic Sotto at magkakaroon ng chance ang lahat na kausapin siya tungkol sa reaction niya sa sinasabi ng iba na hindi deserving ang Enteng na manalong Best Picture ng Metro Manila Film Festival.

Marami kasing ‘violent’ reaction sa pagiging best picture ng Enteng Kabisote na ayon naman sa unofficial statement ng MMFF, kasama sa criteria ng pagpili ng best picture this year ang box-office result ng movie na hindi naman daw na-explain prior to the awards night kaya shocked ang ibang producers.

Siguradong puputaktihin ng questions si Vic.

So ngayong tuluy-tuloy ang success ng Enteng Kabisote, umabot nga kaya ang Enteng sa hanggang Enteng Kabisote 10?
* * *
Ang bilis na natapos ng Pasko at Bagong Taon. Para bang ang tagal nating hinintay tapos biglang natapos.

Kaya lang habang nag-iingay ang buong bayan no’ng New Years eve, sinamahan ko ‘yung sister ko sa Philippine Children’s Medical Center. Isinugod ang anak niyang four months old dahil sa ubo na naging cause para hindi siya makahinga.

To make the long story short, sa loob kami ng hospital nag-New Year. So instead na magpaputok at kumain, pray na lang kami sa chapel.

Hirap huminga ang baby girl na pamangkin ko at kailangang ilagay sa intensive care unit. Ang siste, wala raw available, puno ang ICU ng nasabing hospital kaya hindi mo alam ang mararamdaman mo eh sinasabi ng mga doctor na nasa critical condition.

Ang ending, nilagyan ng oxygen sa intermediate intensive care unit.

Inaasikaso naman ng mga doctor pero, ganun pala ang feeling na takot ka na dahil sinasabi nilang critical pero ‘yung ibang doctor parang cool lang.

Anyway, as of this writing, hindi pa rin maipasok ng ICU although sinasabi namang ok ang baby sa temporary ICU nila.

Show comments