Ligalig ni Cesar, gustong i-remake sa Hollywood
January 2, 2007 | 12:00am
Mas lumaki ang tsansa ng Ligalig na tanggapin ng Hollywood producer na si Lawrence Vender na i-remake sa pagkakapanalong best actor ni Cesar Montano from the said movie. Nauna rito, graded A ng CEB ang pelikula at di mapapahiya ang actor-director-producer na ipapanood ang buong pelikula.
Nabanggit noon ni Cesar na nagustuhan ni Vender ang trailer ng movie kaya, nangako si Cesar na magpapadala ng copy ng movie pag natapos ito. Directors cut siguro ang ipapadala niya kasama ang very erotic at passionate love scene nila ni Gwen Garci na ilang segundo lang napanood dahil iniklian para mabigyan ng R-18 classification ng MTRCB.
Number eight pa rin ang Ligalig sa box-office standing ng nine entries, pero hindi ito ikinababahala ni Cesar. Alam niyang babawi siya sa P18M niyang nagasta sa pelikula sa ibang paraan.
Wala na sa eksena si Mahal, pero si Mura ay maganda pa rin ang takbo ng career. Reserved agent ang role niya sa Agent X44 na makulit at mainitin ang ulo at naka-suit din siyat humahawak ng baril rito.
Natutuwa si Mura na ikinukumpara siya kay Weng-Weng at wish niyay maging another Weng-Weng na in fairness, sumikat noong kapanahunan niya. Kilala raw niya ang namayapang midget action star, kaya di siya naintriga ng press.
Para palang nakikiliti ang tawa ni Mura nang batiin ng press sa presscon ng Star Cinema movie na kamukha niya si Joseph Bitangcol, ang boyfriend ni Sandara Park lalot lagi rin siyang naka-sumbrero. At least daw, may kamukha siya at guwapo pa, pero never niyang liligawan si Sandara dahil baka bugbugin siya ni Joseph.
Pinoproblema pala ni Mura kung paano maipapagawa ang bahay nila sa Guinobatan, Albay na nasira ng bagyong Reming. Nawalan ng roof ang bahay at pati yata dingding at sahig na lang ang naiwan. Pasalamat itong kasama siya sa Super Twins ng GMA-7 dahil may regular talent fee siya for three months.
Itinuloy ng GMA-7 ang loveteam nina Marky Cielo at Glaiza de Castro sa Asian Treasures na magpi-premiere sa January 15, 2007. Una silang napanood sa Fantastikids. Sabi ng actress, mabait ang ka-loveteam, kaya madali siyang naging komportableng katrabaho ito, pero hindi ito nanliligaw sa kanya.
Second regular show ni Glaiza ang AT at dahil galing siya sa ABS-CBN, tinatanong pa rin sa kanya kung how is it working with Ch. 7? Wala bang nang-aaway sa kanyang talent ng Siete?
"Noong una, may ilang factor dahil galing ako sa kabila, pero mababait sila at madali akong nakapag-adjust. Okey na ako ngayon at friends ko lahat ang mga nakakatrabaho ko."
Isang hihintayin ng viewers pag umere na ang action-adventure na itoy ang mga eksenang magkasama sina Glaiza at Angel Locsin. May hawig ang dalawa at makikita na kung anong parte ng kanilang mukha sila may hawig.
Sina Jean de Castro, Kiko Junio, Lui Perez at Chariz Solomon ang apat na StarStruck Top 20 na na-eliminate last December 31. Out na ang apat sa contest, pero may chance pa rin silang makapag-showbis dahil balita namin, ikokontrata rin sila ng GMA Artist Center.
So, this week, ang bumubuo ng Circle of 16 ang magpapakita ng husay para mapasama sa Final 14. Kailangan nina Aljur Abrebica, Chad Burden, Dave Valentino, Dex Quindoza, Hazel Uy, Jan Manual, Jesi Corcuera, Jewel Mische, Kris Bernal, Lizzy Pecson, Mart Escudero, Paolo Avelino, Prince Stefan, Renee Lascu, Rich Asuncion at Stef Prescott ang text votes ng kani-kanilang fans para manatili sila ng matagal sa contest o kayay manalo.
Sa Atlantika, palpak ang pagpapanggap ni Celeste na siya si Celebes (parehong si Jean Garcia ang gumaganap) dahil nahuli siya ni Reyna Azita (Desiree del Valle).
Magpapakawala ng mga bola ng liwanag si Balawis (Pen Medina) para butasin ang liwanag ng forcefield ng Atlantika. Samantala, kakausapin ni Haring Barracud (Ariel Rivera) si Elahe tungkol sa pagdating ni Aquano. Babalaan ni Elaje ang hari sa lihim na pagkatao ng binata.
Nabanggit noon ni Cesar na nagustuhan ni Vender ang trailer ng movie kaya, nangako si Cesar na magpapadala ng copy ng movie pag natapos ito. Directors cut siguro ang ipapadala niya kasama ang very erotic at passionate love scene nila ni Gwen Garci na ilang segundo lang napanood dahil iniklian para mabigyan ng R-18 classification ng MTRCB.
Number eight pa rin ang Ligalig sa box-office standing ng nine entries, pero hindi ito ikinababahala ni Cesar. Alam niyang babawi siya sa P18M niyang nagasta sa pelikula sa ibang paraan.
Natutuwa si Mura na ikinukumpara siya kay Weng-Weng at wish niyay maging another Weng-Weng na in fairness, sumikat noong kapanahunan niya. Kilala raw niya ang namayapang midget action star, kaya di siya naintriga ng press.
Para palang nakikiliti ang tawa ni Mura nang batiin ng press sa presscon ng Star Cinema movie na kamukha niya si Joseph Bitangcol, ang boyfriend ni Sandara Park lalot lagi rin siyang naka-sumbrero. At least daw, may kamukha siya at guwapo pa, pero never niyang liligawan si Sandara dahil baka bugbugin siya ni Joseph.
Pinoproblema pala ni Mura kung paano maipapagawa ang bahay nila sa Guinobatan, Albay na nasira ng bagyong Reming. Nawalan ng roof ang bahay at pati yata dingding at sahig na lang ang naiwan. Pasalamat itong kasama siya sa Super Twins ng GMA-7 dahil may regular talent fee siya for three months.
Second regular show ni Glaiza ang AT at dahil galing siya sa ABS-CBN, tinatanong pa rin sa kanya kung how is it working with Ch. 7? Wala bang nang-aaway sa kanyang talent ng Siete?
"Noong una, may ilang factor dahil galing ako sa kabila, pero mababait sila at madali akong nakapag-adjust. Okey na ako ngayon at friends ko lahat ang mga nakakatrabaho ko."
Isang hihintayin ng viewers pag umere na ang action-adventure na itoy ang mga eksenang magkasama sina Glaiza at Angel Locsin. May hawig ang dalawa at makikita na kung anong parte ng kanilang mukha sila may hawig.
So, this week, ang bumubuo ng Circle of 16 ang magpapakita ng husay para mapasama sa Final 14. Kailangan nina Aljur Abrebica, Chad Burden, Dave Valentino, Dex Quindoza, Hazel Uy, Jan Manual, Jesi Corcuera, Jewel Mische, Kris Bernal, Lizzy Pecson, Mart Escudero, Paolo Avelino, Prince Stefan, Renee Lascu, Rich Asuncion at Stef Prescott ang text votes ng kani-kanilang fans para manatili sila ng matagal sa contest o kayay manalo.
Magpapakawala ng mga bola ng liwanag si Balawis (Pen Medina) para butasin ang liwanag ng forcefield ng Atlantika. Samantala, kakausapin ni Haring Barracud (Ariel Rivera) si Elahe tungkol sa pagdating ni Aquano. Babalaan ni Elaje ang hari sa lihim na pagkatao ng binata.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended