Melanie, di nag-enjoy sa US

Yung ini-expect ni Melanie Marquez na engrandeng bakasyon sa Amerika kamakailan ay hindi nagkaro’n ng katuparan dahil isang linggo siyang nagkasakit dun. Kaya hindi niya naipasyal ang kanyang mga anak. Yung balak din nilang pagi-spend dun ng Christmas at New Year ay hindi rin natuloy dahil ang dami daming commitments na naghihintay sa kanya rito. Mabuti na lamang at walang violent reactions ang kanyang mga anak na agad pumayag nang sabihin niyang dito na lamang sila magpa-Paskong mag-ina.

Nagsisimula na namang mag-iikot si Melanie para sa promosyon ng New Placenta. Ito marahil ang dahilan ng pagiging mabenta ng mga produktong kanyang ini-endorso, masipag siyang mag-promote. Umiikot siya sa buong Pilipinas at ganadong ibahagi ang kanyang beauty secrets.

Hangang-hanga sa kanya ang may-ari ng Psalmstre, Inc. ginagawa ng mga produkto ng New Placenta dahil pagdating sa trabaho, napaka-professional ni Melanie.
* * *
Nagdiwang ng kanyang ika-30 anibersaryo ang 700 Club Asia sa pamamagitan ng isang TV special sa QTV 11 na pinamagatang Good News Naman! Tuluy Tuloy na Pagpapala, isang three night live program na nagtatampok sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan na naging matagumpay sa buhay.

Naging tampok dito ang mga celebrities na tulad nina Carmi Martin, Fanny Serrano, Jason Zamora, Isay Alvarez, Ivy Violan, Lana Jalosjos, William Theo, Raquel Villavicencio, Jojo Lastimosa, Joey & Koy Banal at marami pang iba. Nagsilbing hosts sina Peter Kairuz, Coney Reyes, Kata Inocencio, Maricel Laxa Pangilinan at Felichi Buizon.

Dito sa Pilipinas nagkaro’n ng unang international version ang The 700 Club. Napapanood ang The 700 Club , 11:30 NG sa QTV 11. Prodyus ito ng CBN Asia.
* * *
Para namang hindi naghihirap ang Pinoy sa dami at gaganda ng mga pailaw na nakita ko sa aming lugar na lugar ng mga di mayayaman pero di rin mahirap na mamamayan nung Disyembre 31. Ako nagtipid kaya mga lusis lamang ang binili ko para sa aking tatlong apo. Yun pala bumili ng mga magagandang fireworks ang mister ko na talaga namang nagdulot ng aliw di lamang sa mga bata kundi maging sa buong pamilya ko.

Masaya ang aming naging pagsalubong sa Bagong Taon. Sana kayo rin.

Salamat sa lahat ng mga nakaalala sa akin nung Pasko, sa pamamagitan ng regalo o maging pagbati.
* * *
E-mail: veronicasamio@yahoo.com

Show comments