Abala ito ngayon sa pagma-manage ng kanyang sariling agency na may kinalaman sa ship staff crew manning. At kung di man siya visible ngayon ito ay sa dahilang marami siyang shows out of the country, sa Japan particularly, at maging sa Guam at Dubai. Huli siyang napanood sa Sa Piling Mo bilang kaibigan ni Rica Peralejo.
Actually, hindi naman niya tinatalikuran ang showbiz. Kapag may offers, naggi-guest siya at bahagi pa rin siya ng mga dance concerts kasama ang iba pang sexy girls.
Balik tandem ito nina Bb. Joyce at Vhong na naging matagumay ang pagsasama sa D Anothers nung simula ng 2006. Itong Agent X44 ang opening salvo naman ng Star Cinema for 2007. At dahil isang action movie ito tungkol sa isang mala-James Bond na character, makakaasa ang mga manonood ng mga mahihirap na stunts at hindi raw nagpa-double si Vhong. Marami ring sexy stars sa pelikula at talagang magsasawa ang mga manonood sa mga kaseksihan nila.