Bakit Rob-B-Hood? Born loser si Jackie sa movie, lumaking bum, sugarol kayat itinakwil ng magulang dahil sa kahihiyang dulot nito sa pamilya. Napasama ang action hero sa isang sindikato at ang project ay kidnapin ang apo ng pinakamayamang tao sa bansa nila pero, nagbago ang plano.
Sa ilang araw na kapiling ni Jackie ang sanggol ay wala siyang choice kundi tumayong yaya at siya ang nagpapalit ng diaper, nagpapakain, nagpapatahan kapag umiiyak at kung anik-anik pa.
Naalala tuloy namin ang blockbuster movie na Three Men and A Baby na pawang macho ang naga-aalaga sa sanggol na natagpuan nila sa doorstep ng kanilang condo unit.
Say ng kampo ni Anne, "Nasa Australia ang lola Anne mo at naloka sa nabasa sa internet, maski malayo siya, updated siya sa chismis sa showbiz, hayun, nagi-iyak, mali raw yung paratang, nahihiya tuloy siya kay Erwin."
At sa pagbabalik ng aktres sa 1st week ng January ay handa raw niyang sagutin ang mga isyung naglabasan habang wala siya dahil nakakahiya kay Erwin na sobrang bait pa mandin sa kanya. REGGEE BONOAN