Enteng, Kasal..., mag-aabot na?

Nagpalabas na ng official statement si Veronique del Rosario-Corpus, ang manager ni Anne Curtis, tungkol sa isyung nakipagkasundo ang daddy niyang si Vic del Rosario sa tatay ni Erwin Genuino na si Pagcor Chairman Efraim Genuino na tulungan ang anak niya sa kandidatura nito sa pagka-congressman sa next year election.

Umiikot kasi ang balita sa showbiz events na bestfriends daw sina boss Vic at Pagcor Chairman Efraim at hinilingan nga ng huli ang una na palabasing nanliligaw ang anak niya kay Anne para magkaroon ng ingay ang name ni Erwin.

Ayon sa publicist ni Veronique na si Duds Santiago, "Walang katotohanan ‘yung balitang nakipagkasundo si boss Vic kay Pagcor Chairman at hindi rin daw sila close friends, magkakilala lang daw siguro, pero never na close friends.

"Kasi kung talagang close friends daw, bakit ni isang produced ng Viva Concerts, never na nag-sponsor ang Pagcor?

"At saka si Anne raw when it comes to her personal life, hindi siya puwedeng pakialaman ng maski na sino kaya nga si Veronique pagdating sa lovelife ni Anne, dedma siya kasi ayaw niyang mag-away sila.

"Nung na-in love siya kay Paolo (Araneta), hindi siya pinakialamanan ni Veronique kasi nga ayaw ni Anne ng pinakikialaman siya.

"Kaya dito kay Erwin, anuman daw ‘yung real score nila ni Anne, walang alam si Veronique dahil siya rin mismo ay hindi niya kilala ‘yung guy at definitely, hindi dahil magkaibigan ang tatay niya at ‘yung tatay nung guy," mahabang esplika ni Duds sa amin.

At dahil tatakbong congressman nga ang batang Genuino sa Makati City mula sa partido ni Sen. Lito Lapid ay baka kalaban daw sa pulitika ang nagpapakalat ng mga intrigang ito.
* * *
Gaano katotoo na nagpantay na ang gross receipt ng Enteng Kabisote 3 at Kasal, Kasali, Kasalo last Wednesday?

Naitsika sa amin ito ng taga-MMFF at taga-booking circuit na nag-abot na raw ang kita ng dalawang pelikula sa araw na iyon kaya’t naalarma raw ang kampo ni Vic Sotto sa balitang ito.

"Consistent kasi ang moviegoers sa KKK, habang umaandar ‘yung araw, dumarami, unlike sa EK3, nababawasan, but still marami pa ring bata.

"Pero ‘yung kinita ng Enteng sa first and 2nd days, hindi pa rin matatalo ‘yun, number one pa rin talaga sila.

"At maski na nag-abot na ang gross ng two movies, number one pa rin si Vic Sotto, no doubt about it," paliwanag sa amin.

Dagdag din na nagtataka rin ang taga-MMFF at Booking Circuit kung bakit iba-ibang ranking daw ang lumalabas sa pahayagan at nakatanggap din daw sila ng text messages na galing daw sa publicist ng isang movie na iba ang ranking, saan daw ba nakuha ‘yun? – Reggee Bonoan

Show comments