Actor, makakapasok sa Hollywood
December 29, 2006 | 12:00am
Maganda ang narinig naming mga hula ng aming pinagkakatiwalaang si Madam X kaugnay ng pagpasok ng Year of the Pig na magsisimula pa sa Chinese New Year, pero dahil sa tayo nga ay sumusunod sa solar calendar na ang simula ng taon ay January 1, magsisimula na rin sa atin ang Year of the Pig.
Nasabi ni Madam X na hindi pa makakabawi ang industriya ng pelikula sa 2007, dahil walang tulong ang gobyerno. Pero may isang aktor na makukuha sa isang malaking role sa isang Hollywood movie, at malaking role talaga ang kanyang makukuha sa pelikulang yon. Sinasabi rin ni Madam X na halos lahat ng mga artistang lalahok sa pulitika ay mananalo, at pagtitiwalaan ng mga tao.
May isa pa lang pelikulang Pilipino na magtatamo ng karangalan sa isang film festival sa abroad, at yan ang magbubukas ng mata ng mga producers na kailangan na silang gumawa ulit ng mga quality movies, na siya namang magiging simula ng pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino.
Mababaliktad din daw ang trend sa telebisyon, ibig sabihin iyong mga nagri-rate na mga programa ngayong 2006, babagsak at tatalunin na ng ibang shows sa 2007. Hindi nga ba may mga bumabaliktad ng ratings?
Pero ang masama, sinabi rin ni Madam X na hindi na dapat asahan ang mga dating big stars, kailangan daw mag-focus na ang industriya sa mga bagong sisikat.
Halata mong umaasa si Jake Cuenca na mas magiging maganda ang takbo ng kanyang career ngayong lumipat na siya sa ABS-CBN. Agad siyang inilagay sa isang serye na mataas ang ratings, iyong Adventures of Pedro Penduko na siyang featured sa series nilang Komiks. Isipin ninyo, humaba na iyan ng 20 episodes, ngayon dinagdagan pa ng 14 na episodes. Gagawin ba nila yan kung di maganda ang ratings?
May mga pangako raw na mas magagandang assignments kay Jake doon sa Channel 2. Siguro wise decision nga yon dahil nawawalan na rin sila ng assignment sa Channel 7 dahil sinasalo naman noon ang lahat ng mga stars na pinawawalan na ng Channel 2. Ed De Leon
Nasabi ni Madam X na hindi pa makakabawi ang industriya ng pelikula sa 2007, dahil walang tulong ang gobyerno. Pero may isang aktor na makukuha sa isang malaking role sa isang Hollywood movie, at malaking role talaga ang kanyang makukuha sa pelikulang yon. Sinasabi rin ni Madam X na halos lahat ng mga artistang lalahok sa pulitika ay mananalo, at pagtitiwalaan ng mga tao.
May isa pa lang pelikulang Pilipino na magtatamo ng karangalan sa isang film festival sa abroad, at yan ang magbubukas ng mata ng mga producers na kailangan na silang gumawa ulit ng mga quality movies, na siya namang magiging simula ng pagbangon ng industriya ng pelikulang Pilipino.
Mababaliktad din daw ang trend sa telebisyon, ibig sabihin iyong mga nagri-rate na mga programa ngayong 2006, babagsak at tatalunin na ng ibang shows sa 2007. Hindi nga ba may mga bumabaliktad ng ratings?
Pero ang masama, sinabi rin ni Madam X na hindi na dapat asahan ang mga dating big stars, kailangan daw mag-focus na ang industriya sa mga bagong sisikat.
May mga pangako raw na mas magagandang assignments kay Jake doon sa Channel 2. Siguro wise decision nga yon dahil nawawalan na rin sila ng assignment sa Channel 7 dahil sinasalo naman noon ang lahat ng mga stars na pinawawalan na ng Channel 2. Ed De Leon
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am