Siyempre pa, masayang-masayang ipinagdiwang ni Vic ang Pasko dahil bukod sa tagumpay ng Enteng Kabisote 3 sa takilya ay kapiling niya ang kanyang girlfriend.
Apat ang anak ni Vic sa tatlong magkakaibang babae. Sina Danica at Oyo kay Dina Bonnevie. Si Vico kay Coney Reyes, si Paulina kay Angela Luz. Magkakaiba man ang kanilang ina, magkaka-close naman ang magkakapatid.
Magkasama sila sa presscon ng pelikula maging sa ibat ibang TV guestings. Magkasama rin ang dalawa nung nakaraang linggo sa parada ng mga artista at wala kaming napansin na may namumuong problema sa kanilang pagitan.
Dalawang araw na namin nababasa na may away umano sina Angelica at Alyssa na nagsimula sa guesting ng buong cast ng Enteng Kabisote 3 sa Eat Bulaga. Si Angelica lamang ang bukod tanging hindi napasama sa Bulagaan portion na ikinasama ng loob umano nito. Nang dahil dun, nagalit umano ang mag-inang Beth at Angelica Jones kay Alyssa na siyang napasama sa Bulagaan. Nagpapadala umano ng text messages ang mag-ina kay Alyssa at sinisiraan umano nila ito. Para maliwanagan namin ang lahat ay tinawagan namin si Angelica na nagulat pa sa aming ibinalita sa kanya.
"Alam ng Diyos kung ano ang totoo. Bakit naman namin `yun gagawin? Kung gusto kong magpaka-controversial, mag-iikot ako sa ibat ibang talkshows at doon ako magsasalita at hindi sa pamamagitan ng pagpapadala ng kung anu-anong text messages lamang. At saka, bakit ko naman aawayin si Alyssa nang dahil lamang sa nangyari? Wala naman siyang kinalaman," paliwanag pa ni Angelica na takang-taka kung bakit sila pinag-aaway ni Alyssa. - Aster Amoyo