^

PSN Showbiz

Close ang 4 anak ni Vic sa 3 magkakaibang babae

-
Dapat sana’y may blow-out party ang Enteng Kabisote 3 nung nakaraang Martes, Dec. 26 dahil sa tagumpay sa takilya ng pelikulang pinagbibidahan ni Vic Sotto pero hindi ito natuloy dahil nag-out of town (or out of the country?) ang bida at co-producer ng pelikula kasama ang kanyang lady-love na si Pia Guanio. Ang balita namin ngayong araw, December 29 ang kanilang balik.   

Siyempre pa, masayang-masayang ipinagdiwang ni Vic ang Pasko dahil bukod sa tagumpay ng Enteng Kabisote 3 sa takilya ay kapiling niya ang kanyang girlfriend.   

Apat ang anak ni Vic sa tatlong magkakaibang babae. Sina Danica at Oyo kay Dina Bonnevie. Si Vico kay Coney Reyes, si Paulina kay Angela Luz. Magkakaiba man ang kanilang ina, magkaka-close naman ang magkakapatid.   
* * *
Wala kaming nakitang problema sa pagitan nina Angelica Jones at Alyssa Alano nung kasagsagan ng promo ng pelikulang Enteng Kabisote 3 na siyang nangunguna ngayon sa takilya magmula nang ito’y magbukas sa mga sinehan nung araw ng Pasko.  

Magkasama sila sa presscon ng pelikula maging sa iba’t ibang TV guestings.  Magkasama rin ang dalawa nung nakaraang linggo sa parada ng mga artista at wala kaming napansin na may namumuong problema sa kanilang pagitan.   

Dalawang araw na namin nababasa na may away umano sina Angelica at Alyssa na nagsimula sa guesting ng buong cast ng Enteng Kabisote 3 sa Eat Bulaga.  Si Angelica lamang ang bukod tanging hindi napasama sa Bulagaan portion na ikinasama ng loob umano nito. Nang dahil du’n, nagalit umano ang mag-inang Beth at Angelica Jones kay Alyssa na siyang napasama sa Bulagaan. Nagpapadala umano ng text messages ang mag-ina kay Alyssa at sinisiraan umano nila ito. Para maliwanagan namin ang lahat ay tinawagan namin si Angelica na nagulat pa sa aming ibinalita sa kanya.

"Alam ng Diyos kung ano ang totoo. Bakit naman namin `yun gagawin? Kung gusto kong magpaka-controversial, mag-iikot ako sa iba’t ibang talkshows at doon ako magsasalita at hindi sa pamamagitan ng pagpapadala ng kung anu-anong text messages lamang. At saka, bakit ko naman aawayin si Alyssa nang dahil lamang sa nangyari? Wala naman siyang kinalaman," paliwanag pa ni Angelica na takang-taka kung bakit sila pinag-aaway ni Alyssa. - Aster Amoyo

ALYSSA

ALYSSA ALANO

ANGELA LUZ

ANGELICA JONES

ASTER AMOYO

BULAGAAN

CONEY REYES

ENTENG KABISOTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with