Magastos makagat ng aso!

Limang oras yata akong tumambay sa St. Luke’s nung Miyerkules ng gabi matapos akong makagat ng sarili kong aso, si Chickie, na isang spitz poodle. I’m sure wala itong intensyong kagatin ako, kaya lang dumaan yung isa kong pusa habang nilalaro nito ang aking mga daliri sa paa at sa pagmamadali nitong habulin ang pusa ay ayun, nakagat niya ang aking biggest toe.

Di ko na sana papansinin dahil may anti-rabbies injection ito at napakaliit naman ng wound, di ko nga makikita at mararamdaman kung hindi ito nagdugo. Ayun, pinaliguan ko lang ng alcohol at kinalimutan ko na. Pero, dumating yung aking medical student, hindi ito pumayag na di ako dalhin sa doktor para maineksyunan. Sa St. Luke’s kami pinulot dahil 1:00 AM na.

Halos mawalan ako ng ulirat nang malaman ko na P35,000 ang halaga ng mga ineksyon na bukod sa mga anti-rabbies ay may anti-tetanus pa at mayro’n pang isasaksak na anti-bodies.

May medicard ako pero P15,000 lang ang iso-shoulder nila, wala akong dalang pambayad sa verirub na pinakamahal daw na anti-rabbies injection. Apat ito which cost P8,000 per vial. Besides, binigyan na ako ng isang anti-tetanus, anti-rabbies at anti-bodies injection. Sabi kulang pa, I had to have the complete shots. Mabait naman ang St. Luke’s, since di nila mabababaan ang halaga ng mga nasabing shots, they reffered me to San Lazaro na kung saan makakakuha ako ng mga 50 % discount.

Hay naku, ang mahal mahal naman. My daughter is contemplating on giving away Chickie pero, ayaw ko. Sabi ko talian na lang, love ko na ang dog at maging ng 3 apo ko.

Ewan ko kung ano ang mangyayari pero ang sigurado, di na ako lalapit sa kahit anong aso, may anti-rabbies man o wala, house trained man o hindi. Ang mahal ng ineksyon, di kaya maski ng isang may trabaho na tulad ko. Paano na kaya yung mga mas mahirap pa sa akin?
* * *
Opening salvo na naman ng Star Cinema ang isang Vhong Navarro movie na pinamagatang Agent X44, isang action comedy na inasahang papantay sa naging tagumpay ng D’Anothers, ang opening salvo nila for 2006. Kaya lang dahil abala si Toni Gonzaga, iba ang naging kapareha dito ni Vhong, si Mariel Rodriguez na okay lang na maging second choice basta ang importante raw siya ang nakuha.

Katulad ng original na X44 na si Tony Ferrer, isang secret agent dito si Vhong na palaging nakasuot ng puting Amerikana. But unlike the original X44, na talagang mahilig mag-puting suit, isa lamang ang suit ni Vhong sa buong pelikula.

"Meron namang ipinagawang ibang puting suit para sa mga action scenes pero nagpagawa pa rin ako para sa promo ng movie dahil gamit na gamit na at mukhang luma na yung ginamit ko sa shooting," anang aktor who started making the film in March pero ngayon lamang nila ito natapos, in time for 2007.

Kasama sa Agent X44 sina Pokwang, Cass Ponti, Mura, John Lapus, Epi Quizon, Uma Khouny sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal. Palabas na sa January 17. — Veronica R. Samio

Show comments