"Pumayag na akong mag-Japan, kumanta ako sa isang disco night club sa Nagoya City, kasama ang Cross Over Band na karamihan ay babae ang members."
Feel sana ni Mike ang kasamahang chicks pero, bawal ang nagliligawang mga trabahador dun, seloso raw ang mga Hapon.
Suwerte naman, gusto siya ng Hapon, may nagsasabit pa ng gold necklace sa kanya pagkatapos niyang kumanta. Minsan, isang 100 grams pang gold ang natanggap niya. Gusto sana niyang isoli, kaso ayaw pala ng mga Japanese na tinatanggihan ang bigay nila.
"Kalaban ko lang sa Japan, homesickness. Mamamatay ka sa lungkot kapag naaalala mo ang pamilya mo."
Subalit sa hirap kumita ng pera sa Pilipinas, pinag-aralan niyang mawala ang homesickness niya. Uuwi siya ngayong Pasko pero, babalik siya next year, maganda ang kita run. VIR GONZALES