Biro nga namin sa smiling face na produkto ng PBBTE, "Baka hanggang April na," at sumang-ayon naman sa amin ang binatilyo.
Consistent kasing mataas ang ratings ng Pedro Penduko na pati si Michael V ay dalawang linggo niyang pinataob sa ratings game na ikinagulat ng lahat.
At bilang pasalamat sa lahat ng blessings na natanggap niya this year ay namigay siya sa mga batang inabuso right after the presscon somewhere in Marikina.
Sa sariling bulsa ni Matt nanggaling ang pambili ng pagkain sa isang food chain na hindi niya hiningan ng sponsorship dahil, "Ayoko po talagang magpalibre, magkano lang naman lahat kung ikukumpara sa mga natanggap ko.
"Kailangan talagang mag-share ako, kasi alam ko ang pakiramdam ng nagugutom," dagdag pa ng binatilyo.
At take note, hindi lang isang foundation ang pupuntahan niya, "Mga three foundations po yun, iba pa yung mga nasa kalye na aabutan ko. Naku, sana hindi na lang natin i-hype yung pagpapakain ko, pamasko ko po yun sa kanila," katwiran ni Pedro.
Say ng staff ng Gateway cinema ay hindi nagkakalayo ang lamang ng Enteng Kabisote sa Kasal, Kasali, Kasalo kayat hindi pa raw pupuwedeng i-declare na number one na ang pelikula ni bossing Vic.
Samantala, abut-abot naman ang tuwa ng loyal fans nina Juday at Ryan dahil ang target nila ay maski na hindi mag-number one ang KKK, at least hindi ito kulelat na siyang nangyayari sa ngayon.
Magaganda ang mood ng mga taga-Star Cinema ngayon at ganado silang mag-promote dahil namamayagpag sa boxoffice ang KKK at maski hindi sila mag-number one ay okey na dahil aminado silang hindi nila kayang talunin ang isang Vic Sotto.
Malaking hamon kay Vhong ang Agent X44 kung kaya nitong talunin ang kinita ng D Anothers na umabot sa P130-M na ayon din mismo sa taga-Star Cinema, "Sana mapantayan, huwag lang mas mababa."
Ito ang pelikula ni Vhong na taon yata ang binilang bago natapos dahil nga mas inunang tapusin yung mga pelikula nina Kristine Hermosa at Anne Curtis na Wag Kang Lilingon at itong KKK.
Biro nga ni Vhong sa nakaraang press launch ng Love Spell, "Ang pelikula kong ka-level ng Harry Potter at Lord of the Rings sa tagal ng shooting." REGGEE BONOAN