So far, gusto ko lahat ang mga napanood ko. Favorite ko ang Zsa Zsa Zaturnnah and Kasal Kasali Kasalo.
Parehong feel good at nakakatawa. Ang difference lang, love story ang Kasal Kasali Kasalo samantalang tungkol sa super hero ang Zsa Zsa Zaturnnah.
Kung super gusto nyong ma-in love, watch naman kayo ng Mano Po 5 (Gua Ai Di).
Super pambata ang Enteng Kabisote and Matakot Ka Sa Karma kung gusto nyong magulat.
Sobrang okey ang special effects ng Enteng Kabisote na siguradong mai-enjoy ng mga bata.
Matagal-tagal ding mapapanood ang festival dahil granted ang request ng mga producer na wag bawasan ang number of days ng showing ng mga pelikula.
Nauna na kasing nagsabi ang mga theater operators na babawasan ng two days ang pagpapalabas. Pero nag-react ang mga producers at nagpadala sila ng letter of request kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.
Granted. Naayos.