^

PSN Showbiz

MMDA festival pass, di pwede sa Pasko at Bagong Taon!

-
Anim sa siyam na pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival ang napanood ko na– Mano Po 5, Super Noypi, Enteng Kabisote, Zsa Zsa Zaturnnah, Matakot Ka Sa Karma and Kasal Kasali Kasalo. Sayang at hindi ko napanood ang Ligalig and Shake Rattle and Roll. Eh ang Tatlong Baraha kasi, hindi nagpa-review sa Cinema Evaluation Board.

So far, gusto ko lahat ang mga napanood ko. Favorite ko ang Zsa Zsa Zaturnnah and Kasal Kasali Kasalo.

Parehong feel good at nakakatawa. Ang difference lang, love story ang Kasal Kasali Kasalo samantalang tungkol sa super hero ang Zsa Zsa Zaturnnah.

Kung super gusto n’yong ma-in love, watch naman kayo ng Mano Po 5 (Gua Ai Di).

Super pambata ang Enteng Kabisote and Matakot Ka Sa Karma kung gusto n’yong magulat.

Sobrang okey ang special effects ng Enteng Kabisote na siguradong mai-enjoy ng mga bata.

Matagal-tagal ding mapapanood ang festival dahil granted ang request ng mga producer na ‘wag bawasan ang number of days ng showing ng mga pelikula.

Nauna na kasing nagsabi ang mga theater operators na babawasan ng two days ang pagpapalabas. Pero nag-react ang mga producers at nagpadala sila ng letter of request kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo.

Granted. Naayos.
* * *
In fairness, may natanggap akong passes sa MMFF. Hindi na nga lang siya katulad ng dati na isang buong card yung season pass. Ito kasi ang ipinamigay ng I think Metropolitan Development Authority, individual passes 18 pieces and admit one. Pero hindi puwede sa first day (meaning kahapon) at sa January 1. – SALVE V. ASIS

vuukle comment

CINEMA EVALUATION BOARD

ENTENG KABISOTE

ENTENG KABISOTE AND MATAKOT KA SA KARMA

GUA AI DI

KASAL KASALI KASALO

LIGALIG AND SHAKE RATTLE AND ROLL

MANO PO

MATAKOT KA SA KARMA AND KASAL KASALI KASALO

ZSA ZSA ZATURNNAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with