Pinatitigil na uli siyang mag-artista ni Tony Boy Cojuangco dahil sa controversy sa kanila ni Dawn Zulueta pero, kung mananalo nga siya, sayang kung muli siyang titigil. Sabagay, nabanggit ni Gretchen na di pa siya naggi-give up na papayagan ng asawang gawin ang Desperadas. Kukulitin daw uli niya si Tony Boy for the Regal project dahil gustung-gusto niya at kasama pa ang best friend niyang si Ruffa Gutierrez.
Ikinatuwa at nagpa-salamat si Gretchen ang sinabi ni direk Joey Reyes na beautiful ang experience niya working with her. Di naging isyu kay direk ang pagsasama niya ng yaya at bodyguard dahil kailangan nito. Very generous din daw ito sa co-stars niya at sa dubbing, pag nagpapabili ng food, kasama ang dubbers at assistant ni direk.
Si Vivian Blancaflor, former at original BMG dancer ang mamamahala nito. Umikot siya sa buong Asia para kumuha ng inspirasyon sa pagpapatayo ng DP at para mabigyan ang talented Pinays ng right venue to show their talents.
Kasabay nito, naghahanap ang DP ng in-house dancers at singers at ang mga gustong mag-audition, tumawag sa 9268133 o 09266770869 for details. Puwedeng magpadala ng resume at photos sa evmusic_pro duction@ yahoo.com.ph.
Magsasagupa naman sina Piranus (Paolo Contis) at Camaro (Rudy Fernandez). Tutulungan ni Alona (Isabel Oli) si Camaro sa pakikipaglaban nito at sila ni Piranus ang magsasagupa. NITZ MIRALLES