Cesar, naghahangad ng award
December 25, 2006 | 12:00am
Hindi na inaasam ni Cesar Montano na manalo either as best director or best actor sa awards night ng Metro Manila Film Festival. Ang gusto nitong manalo ay si Sunshine Cruz as best actress at sina Celia Rodriguez at Johnny Delgado as best supporting actress and best supporting actor respectively. Malaking accomplishment para sa kanya na mapaakyat ng stage ang tatlo para tumanggap ng acting trophy.
Lalo na si Sunshine na pinahirapan niya ng husto sa shooting ng Ligalig dahil bukod sa tinawag na belekoy at biscuit ang acting, pinagapangan pa ng hate nitong gagamba. Buong shooting, di siya kinibo ng asawa at sa kanilang pagtulog, kundi ang panganay na anak ang nakahiga sa pagitan nilat malaking unan ang nakalagay.
Sa Manila lang magpa-Pasko at Bagong Taon sina Cesar. Wala siyang balak umalis para mabantayan ang showing ng Ligalig. Gusto nitong kumita ang pelikula para makagawa pa siya ng ibang project at may dalawa na nga siyang naka-line up. Ang latest count ng actor, umabot na sa P18M ang nagasta niya sa pelikula kasama ang P5M budget ng promo na kulang pa para magkaroon ng bonggang publicity sa TV at print.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended