Dugo at pawis ang puhunan ng pelikula kaya siguradong katakut-takot na tensiyon ang inabot dito ni Mother Lily dahil late na ngang dumating ang print galing MTRCB.
Ganunpaman, salamat dahil matagumpay pa rin itong nairaos. Dumating ngang naka-gown si Rustom Padilla. Huwag natin itong pag-isipan ng masama. Ginawa lang ito ni Rustom para maka-attract ng mga manonood.
Ngayong araw na natin makikita kung sino ang hihirit sa takilya sa siyam na pelikulang kalahok ng filmfest. Hangad nating tangkilikin lahat ng manonood ang mga pelikulang kasali sa MMFF para lahat ay mag-enjoy at siyempre para kumita rin ang ating movie industry.
Naging matagumpay ang Parade of Stars na ang inyong lingkod ay isa sa mga host. Ang parada ay nagsimula sa QC at natapos sa Aliw Theater.
Mas mabuti yung nagkausap sila mismo sa harap ng gf ni Borgy at sa harap ng bf ni Vina. Sa harap ng kani-kanilang kasintahan ay nilinaw ni Borgy na walang katotohanan ang sinabi niya sa interview na naka-one night stand niya si Vina.
Humingi rin si Borgy ng sorry sa bf ni Vina. Aba, hindi pahuhuli ang bf ni Vina na isang Amboy na bukod sa maskulado ay gwapo rin.
Pero walang dapat bagsakan ng sisi sa nangyaring ito kundi si DJ Mo.
Sanay magsilbing babala ito sa ibang artista. Sana naman ay madala na silang mag-guest sa show nito kung saan nalalagay lang sila sa hindi magandang sitwasyon.
Walang ibang naisalba si Chin Chin na gamit kundi ang kanyang mahal na ina.
Kung ako pa rin ang pangulo ng Actors Guild ay papupurihan ko ang magiting na ginawa ni Chin Chin. Pero kahit walang okasyon ay bibigyan ko pa rin ng parangal si Chin Chin sa Walang Tulugan.. show dahil sa pambihira niyang ginawa.
Sa mga nais pong magpahatid ng tulong kay Chin Chin, maari po nyong idaan sa akin at makakasiguro kayong makakarating ito sa kanya.