Erpat ni Ara, nag-date ng sexy star?

Pawang mga kontrobersiyal na artista at topic, maiinit na parang apoy, ang tampok sa S-Files ng GMA ngayong hapon with Pia Guanio, Joey Marquez, Richard Gomez at Paolo Bediones. Katulad ng pag-alis ni Pops Fernandez sa kanyang kaarawan na sa US niya ginawa at umano ay kasama ng kanyang lover na si Jomari Yllana at mga anak na sina Ram and Robin. Aaminin kaya ito ni Pops sa programa?

Mga Christmas vacation ng ilang artista sa mga pinili nilang lugar tulad din nina Jessica Rodriguez and husband David Bunevacz.

How true naman na itong seksing si Renee Summer daw ay nakitang date ng politician erpat ni Ara Mina na si Chuck Mathay?

True ba na buntis ang isang member ng dance group na sikat na sikat at courtesy ng isang guwapong male dancer ang dinadala niya? Mga birthdays nina Lorna Tolentino at Gabrielle Concepcion (debut), nakababatang step sister ni KC Concepcion.

No more Ynez V and Juliana P sa buhay ni Mon C, dahil baliw daw ito ngayon kay Jen Rosendahl. May vtr din ang sikat na Korean actor na si Cholo ng Stairway To Heaven. – LGCELI

Show comments