"First time kong makaka-experience ng white Christmas," sabi ni July when (Juliana) she called a day before she left for the US.
Mas masaya si July ngayon. Inspired I guess ang right word kung bakit siya happy.
Meron siyang new found special friend after niyang ma-link kay Mon Confiado na balitang nakipag-reconcile kay Ynez Veneracion.
Kung sabagay, wala nang rason para ma-sad si July. Ang dami niyang dapat I-celebrate at ipagpasalamat sa Diyos.
Sunud-sunod ang pelikula niya this year and the latest nga ay ang Kasal Kasali Kasalo. Nasa kasalo part siya ng pelikula. Hindi man kahabaan ang role niya, very vital naman kaya kahit one shooting day lang siya, nasa billing ang pangalan niya.
Siya yung gumulo sa relasyon nina Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo nang mag-try si Ryan na tumikim ng ibang ulam.
Pagbalik niya ng bansa, magiging busy naman si July sa promo ng Agent 44 ng Star Cinema starring Vhong Navarro.
So wala talagang rason para magpa-affect siya sa mga issue particular na tungkol sa isang bold starlet.
Happy trip July.
Galing kasi ni Rustom sa pelikulang Zsa Zsa Zaturnnah. Papalakpak ka talaga sa portrayal niya sa character ni Ada na may-ari ng parlor na na-depressed nang iwan ng boyfriend kaya napadpad sa probinsiya kasama ang kanyang kaibigang si Didi (portrayed by Chokoleit) at kapatid na si Pauleen Luna naman ang nag-portray.
Isang beses na naliligo siya ay biglang may tumamang bato sa kanya habang kumakanta na may nakasulat na Zaturnnah. Si Didi ang naka-isip na baka puwede yung gamitin para maging superhero siya at maging ala-Wonder Woman. True dahil nang lunukin niya ito, bigla siyang lumakas at nag-iba ang hitsura ni Rustom at naging si Zsa Zsa.
Kinunan pa siya ng outfit ni Didi na sexy. Si Zsa Zsa Padilla of course ang alter ego niya.
Sa opening scene pa lang, nakakatawa na ang character ni Rustom na kumakanta. Consistent ang acting ni Rustom as Ada. As in perfect choice siya for the role.
Most probably after this movie, ma-reactivate ang career niya at mauuso ang movie para sa mga bading.
Kung naging babae siguro si Rustom, marami siyang tatalbugang actress. Ang ganda niyang babae kung nagkataon.
Magaling din si Chokoleit sa movie at natural ang acting.
Si Pops Fernandez, ang short lang pala ng role niya as kontrabida ni Zsa Zsa Zaturnnah na isang reyna.
Malinis din ang pagkagawa ng movie at pinutol na ang kissing scene nina Rustom at Alfred Vargas na impressive din ang acting sa naturang pelikula.
Walang dudang makikipagpukpukan ang pelikulang ito sa Enteng Kabisote dahil pambata talaga at kitang-kitang ginastusan ng Regal Films sa special effects na dinirek ni Joel Lamangan.
Actually, nauna nang sinabi ni Roselle Monteverde, producer ng movie na malaki talaga ang ginastos nila sa pelikulang ito.
Graded A ng Cinema Evaluation Board ang Zsa Zsa Zaturnnah. Ito ang third film na kasali sa MMFF na nakakuha ng A rating sa CEB.
Nauna na ang Kasal, Kasali Kasalo at Ligalig na nabigyan ng graded A.
Graded B naman ang Shake Rattle and Roll.
Hindi na rin ire-review ng CEB ang Tatlong Baraha.