Kaya kami nanghihinayang ay dahil sa katotohanang si Gretchen ay isa sa ating mga box- office stars. Noong kanyang panahon, wala siyang pelikulang nag-flop.
Lahat ng pelikulang ginawa niya kumita sa takilya talaga, kahit na ang mga iyon ay napirata rin naman noong araw.
Ang ganyang klaseng mga artista ang kailangan natin sa industriya ng pelikula sa ngayon, iyong mga boxoffice stars talaga. Sabihin mo mang mga simpleng pelikula lamang ang kanyang nagagawa, basta naging box office hits naman ang lahat ng iyon, at kung ganoon sino nga ba ang makaka-angal pa kay Gretchen Barretto?
Kung magtitiyaga tayo sa mga artistang wala namang boxoffice appeal, baka patuloy na mangamote ang pelikulang Pilipino.
Kaya nga sinasabi namin, mas kailangan natin ngayon sa industriya ang mga artistang kagaya ni Gretchen, iyong mga pam-boxoffice.
Palagay namin, maganda nga iyong kumbinsihin natin ang mga dating boxoffice stars na gumawang muli ng pelikula. Baka iyan nga ang solusyon sa krisis na dinadaanan ng industriya sa ngayon.
Pero ang mas dapat nga sigurong bigyan ng pansin ay ang ipinakitang acting ni Sunshine Cruz sa nasabing pelikula. Nag-mature na siya bilang isang aktres.
Maski na nga ang acting na kanyang ipinakita sa pelikulang iyon ay masasabing isa nga siguro siya sa pinaka-mahuhusay na aktres natin sa ngayon.
Kung sa bagay matagal na namang napatunayan ni Sunshine ang kanyang pagiging isang aktres, pero siguro nga ang role niya sa Ligalig ay maitutuing niyang maganda talaga para sa pelikula.
Iyon namang tv host, talagang sinasadya na basta may mga tv specials ay sinisikap niyang maisama sa projects niya ang guwapong male model, kasi nabalitaan naman daw niyang minsan pumatol na iyon sa gay, kaya naman umaasa rin siya. Ed De Leon