^

PSN Showbiz

MMDA, madamot sa media!

-
Nakatanggap kami ng text messages kahapon ng umaga galing kay Ms Grace Chio ng Manila Broadcasting Corporation na siyang namamahala ngayon sa Metro Manila Film Festival for three years now na ipapadala ang season’s pass para sa MMFF screening.

Pero naiba ang plano dahil ayon kay Ms. Chio ay nag-meeting ang executive committee ng MMDA at isang movie pass na lang daw ang ipamimigay sa bawa’t writer/columnist good for one time use only.

Hindi nagustuhan ng mga taga-MBC ang bagong patakarang ito ni Chairman Bayani Fernando dahil sa loob ng 31 years na namimigay sila ng seasons’ pass para sa lahat ng pelikulang kasama sa MMFF ay biglang nabago ngayong taon?

"Ayaw po naming mapahiya sa mga taga-media na walang sawang sumusuporta sa MMFF kaya’t ibabalik po namin ang tig-iisang season pass sa MMDA. Kayo na po ang bahala kung iko-cover pa ninyo ang Parade of the Stars sa December 24 at ang MMFF Awards night," sabi ni Ms. Chio sa kabilang linya.

Aba’y bakit nga ba naiba ang plano ninyo Chairman Fernando? Bakit bigla kayong nagtipid sa media na siyang hinihingan ninyo ng tulong every year?
* * *
Hindi binanggit ni Jake Cuenca kung sino ang babaing nakarelasyon niya pero idininay siya, ang say lang ng aktor, "Hayaan na natin siya kung ‘yun ang trip niya, pero siyempre, nasaktan ako sa nangyari."

Hindi na pinapansin ng binata ang nangyari dahil maganda raw ang takbo ng career niya ngayon sa ABS-CBN at sa katunayan ay marami siyang projects na naka-line up tulad ng guesting niya sa Pedro Penduko na originally ay 20 episodes lang, ngayon ay 34 episodes na at ‘til March 2007 na sila.

"Ako kasi, work ang priority ko now, so pass muna ako sa panliligaw," dagdag pa ni Jake.

Samantala, klinaro rin ng aktor ang isyung babalik siya sa GMA-7 tulad nang naisulat namin, hindi raw siya ‘yung naka-blind item kamakailan, "Masaya at kuntento po ako now sa ABS-CBN, so there’s no reason for me to go back."

Nabanggit din ni Jake ang tungkol sa pagtatawagan nila ni Jennylyn Mercado dahil kino-comfort niya ito.

"Nangungumusta po siya, e, magkaibigan naman kami kaya okey lang na magkuwento siya ng problema niya, e, okey na naman sila at boto ako sa kanilang dalawa ni Patrick (Garcia), bagay sila, marami silang pagkaka-pareho," kuwento ng lalaking na-link din kay Jennylyn.

Hala, nadulas si Jake na mag-on na sina Jen at Patrick, e, hindi pa nga pormal na inaamin nang dalawa ang tunay nilang relasyon?

Knows ba ito ng GMA Artist Center?
* * *
And speaking of Matakot Ka Sa Karma ay nagustuhan namin ang first episode ni direk Joey Reyes na tungkol sa antique na kama na binili ni Gretchen Barretto, simple lang ang istorya, maganda ang mga anggulo, malinis at napakaganda talaga ni Greta, no wonder super loves pa rin siya ni Tonyboy Cojuangco.

Super galing talaga ni Anna Capri, siya ang bumuhay sa nasabing episode, kulang na kulang naman si Paul Salas sa emosyon kung ikukumpara kay Nash Aguas ng Yaya episode ng Shake, Rattle and Roll 8.

Okey sana ang second episode ng MKSK na Aparador which stars Rica Peralejo, Derek Ramsey, Alwyn Uytingco, dalawang pasaway na maid at John Wayne Sace.

Kaso, napakadilim ng shots ni direk Joey o sinadya para pagtakpan na hindi gaanong magagaling ang mga artista, maliban kina John Wayne at Alwyn?

Anyway, ang moral lesson, huwag bibili ng lumang gamit para hindi pag-multuhan at ang nakakaloka, walang resolusyon sa tatlong istorya, pero nagtagumpay si direk Joey na takutin ang manonood. — Reggee Bonoan

ALWYN UYTINGCO

ANNA CAPRI

ARTIST CENTER

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CHAIRMAN FERNANDO

DEREK RAMSEY

GRETCHEN BARRETTO

MS. CHIO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with