Non-showbiz ang suitor ni Anne

Namula ng husto si Anne Curtis nang mapansin ng mga press ang isang lalaki na kasabay niyang dumating sa pa-presscon ng Viva para sa kanya. Agad itong umupo sa isang mesa para hindi mapansin ang sabay nilang pagdating ng aktres. Pero, dahil guwapo ito, hindi pwedeng di mapansin ng mga bading. Malas pang si Anne ang napagtanungan nila tungkol dito at nang mag-blush ito ay saka na-conclude ng mga kumakausap sa kanya, na escort niya ito.

Guwapo ang binata na nagngangalang Erwin Genuino, anak ng isang PAGCOR exec, 25 yrs old at patapos na ng abogasya sa UP. Ang ama nito ang nagpakilala sa kanila ni Anne recently. Bago pa lamang silang magkaibigan. Ang nakatutuwa sa kanila ay pareho silang nagba-blush ni Anne habang kausap sila ng press. Nagkatabi sila ng aktres nang pagbigyan niya ang pakiusap ng press na kung pwede siyang makausap.

We gathered too na tatakbo itong kongresista sa Makati sa darating na eleksyon. May sapat na gulang na ito na required age para sa isang gustong maging congressman, which is 25 years old.

Erwin is probably the reason kung bakit hindi rin umalis si Anne. Pupunta ito ng Australia to spend her Christmas and New Year there with her family. Dalawang linggo siyang mawawala.
* * *
-veronica R. samio

Show comments