Bakit? Imbes kasing ang mga manonood ang sumisigaw sa takot sa nasabing suspense movie ni direk Rahyan Carlos ay mas maingay pa ang cast na sina Bearwin Meily, Janus del Prado, Keanna Reeves, Joseph Bitangcol at Roxanne Guinoo.
At kaming viewers ay tahimik na pinapanood ang pinaggagawa ng mga bida.
Maganda ang Yaya episode na idinirek ni Topel Lee, magaling ang bagets na si Nash Aguas at bibo pa habang kausap namin, huh? Hindi na kami magtataka kung magka-award ang batang ito sa mga awards night na darating.
Mapapansin ay ganda ni Iza Calzado na ikinataka namin dahil hindi yata namin siya nakitang dumalo sa alinmang presscon ng SRR 8.
At kung gaano kaingay si Bearwin sa 13th Floor ay siya ring ingay ni Mico Palanca sa LRT episode dahil bawat buka ng bibig niya ay parating galit at nagpa-panic, dito kaya niya inilabas ang kanyang naipong "gigil" kapag tinatanong siya sa relasyon nila ni Bea Alonzo?
"E, kasi po late na mag-umpisa sa Ratsky Morato, e, kokonti na ang tao kaya walang thrill, wag na kayong manood, sa ibang gigs ko na lang, para magi-enjoy kayo," esplika ng 2nd grand winner ng Star In A Million.
Hindi pa kasi namin napapanood mag-show ang chubby singer, maliban sa guestings niya sa telebisyon at siniguro naman niyang mage-enjoy kami, sana lang daw.
Say namin ay nabibingi na kami sa mga biritan at since birit singer din siya, baka wala siyang ipinag-iba kay Regine Velasquez na wala nang alam kundi sumigaw ng sumigaw sa entablado.
"Ay hindi naman po, kasi may gimmick po ako kapag show ko, nanggagaya po ako ng mga boses ng singers like sina Tina Turner, Celine Dion, Lani Misalucha, Sharon Cuneta, Vina Morales, Pilita Corrales, Sarah Geronimo, Jaya at Sheryl Cruz. Kaya more or less, may pagkakaiba po para hindi magsawa ang tao," paliwanag ni Frenchie sa aming one-on-one interview.
Anyway, hindi affected si Frenchie sa isyung tila wala siyang career dahil inihahantulad ang magiging career ni Mau sa kanya na after manalo ay wala pang recording career?
"Ay okey lang po, dedma ako dyan kasi katwiran ko, magkakaroon nga ako ng album, kung flop naman, e, di wag na. Mas maapektuhan pa yung title ko as grand winner ng SIAM 2005.
Sa katagalan ng tsikahan, e, pen name lang pala niya ang Frenchie Dy dahil ang real name pala niya ay Gypehertori Dimacali at yung "Dy" ay kinuha sa first two letters ng apelyido niya at ang Frenchie ay ibinigay lang ng staff ng SIAM kasi mahirap daw tandaan ang name niya.
"Ang ganda, di ba, sosyal ang dating," baklang sabi pa sa amin. Reggee Bonoan