Sa New York, umaatikabong lakaran ang mga tao kapag sumasapit ang Pasko, lahat nagmamadali. Wala ring Simbang Gabi kaya miss na miss ni Sheryl ang Paskong Pinoy na sa kabila ng hirap ng buhay, kahit nga barong-barong, may munting Christmas tree at Christmas lights.
Hindi akalain ni Sheryl na magki-click siya sa kontrabida role.
"Noong araw kasi, palagi akong sweet. Ewan ko ba, biglang nagbago ang papel ko," sabi ni Sheryl sa presscon ng Shake Rattle and Roll 8. Matatalim ang mga mata ni Sheryl kung makatingin kayat epektibong kontrabida. At tanggap na rin niya ang mother roles. Wala siyang pakialam kung mas mukha pang matanda ang gumaganap na anak niya.
Nakakaya namang sabayan ni Sheryl ang mga bagets na gumaganap bilang anak niya, kahit alangang maging anak niya. Napapansin nga niya, maraming young stars ngayon ang biglang sumisikat. Hindi kaparis noong panahon nila, na kailangang tumulay ka sa alambre para ka maging bida. Di tulad ngayon na sumali ka lang sa mga contest at kapag nanalo ka, star ka agad bigla. Vir Gonzales