Malamig ang Pasko ni Katrina!

Loveless ngayon si Katrina Halili. "Masaya naman ako dahil busy ako sa aking trabaho at kahit wala na ngang time para makapagpahinga. Abala ako sa promo ng SuperNoypi gayundin sa bagong piktoryal ng Tanduay bilang endorser nila," aniya.

Nang malaman nga ni Katrina na naghahanap ng artista para sa SuperNoypi ay nakiusap ito sa handler niya na sabihin kay Mother Lily na bigyan siya ng role.

Matapos ang pagbibida sa Gigil, hindi pa rin namimili ng project ang seksing aktres, type rin niyang malinya sa character roles.
Ara, Mag-Aasawa Kapag 31 Years Old Na
Inamin ni Polo Ravales na malayo pa sa isip nila ni Ara Mina ang pag-aasawa bagama’t nasa tamang edad na sila para lumagay sa tahimik.

"I’m 24 years old at 27 naman si Ara. Gusto niyang magpakasal kapag 31 years old na siya. Siguro nakapag-ipon na ako at handa na sa pag-aasawa by that time. First time naming magkasama ngayong Pasko. Noong nakaraang taon ay nanliligaw pa lang ako sa kanya.

Stable ang six months relationship ng dalawa at wala pa silang seryosong pag-aaway.

Gustuhin man niyang sumama kay Ara sa Europe ay di pwede dahil abala siya sa promosyon ng SuperNoypi at wala pa rin siyang visa.

Sa kabilang banda, hanga sa kanya si Direk Quark Henares ng SN dahil minsan ay may eksena siyang masakit ang tiyan. Hindi niya madama ang sakit kaya nagpasuntok siya sa tiyan sa script continuity writer para madama ang panghihina dahil sa sakit nito.
Yeng, Deserving Manalo
Isa sa paborito kong scholar sa Pinoy Dream Academy si Josephine o Yeng Constantino na nanalong Grand Star Dreamer. Deserving naman itong manalo dahil bukod sa kahusayan sa pagkanta ay may karisma pa ito kaya humakot ng maraming text votes. Bago sumali sa PDA ay bokalista ito ng bandang The Morning Glory.

Napilitan din siyang huminto sa pag-aaral para makapasok sa showbiz kung saan magaling din siyang tumugtog ng gitara at gusto ring makilala bilang "rakistang may pagka-emotional."

Magiging mainstay na ito ng ASAP tuwing Linggo bukod sa kontrata sa ABS-CBN, bahay, sasakyan, P1M cash bukod pa sa negosyong ipagkakaloob sa kanya.

Show comments