Misses Universe at International, nakapareha ng unang Pinoy Superman
December 20, 2006 | 12:00am
Natutuwa si Ariel Ureta, isang mahusay na TV host na muling humarap sa kamera para sa pelikula ng Star Cinema, ang Kasal Kasali, Kasalo dahil, "Isang pruweba ito para maniwala ang mga anak ko na artista nga ako. Matagal ko nang sinasabi sa kanila ito pero parang hindi sila naniniwala dahil nga hindi nila ako nakikita sa anumang pelikula. When the opportunity came para gumanap ng role ng dad ni Ryan Agoncillo sa pelikula, pumayag agad ako," sabi niya.
"Nanood kami ng Superman at sabi ko sa kanila I used to be the local Superman, at bago yung pinanonood namin, mas una na akong naging Superman pero, di rin sila naniniwala," kwento ng TV host na naniniwala na tama yung movie nina Judy Ann Santos at Ryan na magkakilanlan muna ng mabuti and enjoy their relatonship bago sila magpakasal.
"Ako I had to marry fast dahil sabi ng lola ng napangasawa ko nun, kailangan na raw kaming makasal dahil matanda na ako," natutuwang kwento ng TV host na bida agad sa una niyang movie at natatangi dahil siya lamang ang aktor na naging leading ladies ang isang Miss Universe (Gloria Diaz) at Miss International (Aurora Pijuan). Magkasamang muli sila ni Gloria dito sa Kasal Kasali Kasalo bilang mga magulang ni Ryan na dinirek ni Jose Javier Reyes.
Kasama pa rin sa movie na ang theme song ay kinompos at inawit ni Yeng Constantino, ang Grand Star Dreamer. Kasama pa rin si Gina Pareño.
Sa kabila pala ng mga negative publicities na lumabas kay Gretchen Barretto dahilan sa pagpapa-interview nito bilang bahagi ng promo ng kanyang comeback movie na Matakot Ka Sa Karma ng Canary Films which also stars Rica Peralejo and Angelica Panganiban, hindi ito naapektuhan, siguro dahil wala naman talaga siyang masamang iniisip sa pagdadala niya ng napakaraming damit, ng mga bodyguard at maging ng isang yaya sa set ng pelikula.
"Kailangan naman talaga niya ng bodyguards pero, hindi naman sila naging problema sa shooting. Maski na ang yaya, dati na niya itong kasama, hindi lang sa set ng movie. At yung trailer, can afford naman siyang magdala," pagtatanggol ni Direk Jose Javier Reyes na siya ring nag-offer ng info na makatapos sila ng shoot ay ibinigay ni Gretchen ang mga damit niya sa isa ring artista.
Ang Matakot Ka Sa Karma ay isang Horror trilogy na nagtatampok sa mga episodes na Kama, Tokador at Aparador.
[email protected]
"Nanood kami ng Superman at sabi ko sa kanila I used to be the local Superman, at bago yung pinanonood namin, mas una na akong naging Superman pero, di rin sila naniniwala," kwento ng TV host na naniniwala na tama yung movie nina Judy Ann Santos at Ryan na magkakilanlan muna ng mabuti and enjoy their relatonship bago sila magpakasal.
"Ako I had to marry fast dahil sabi ng lola ng napangasawa ko nun, kailangan na raw kaming makasal dahil matanda na ako," natutuwang kwento ng TV host na bida agad sa una niyang movie at natatangi dahil siya lamang ang aktor na naging leading ladies ang isang Miss Universe (Gloria Diaz) at Miss International (Aurora Pijuan). Magkasamang muli sila ni Gloria dito sa Kasal Kasali Kasalo bilang mga magulang ni Ryan na dinirek ni Jose Javier Reyes.
Kasama pa rin sa movie na ang theme song ay kinompos at inawit ni Yeng Constantino, ang Grand Star Dreamer. Kasama pa rin si Gina Pareño.
"Kailangan naman talaga niya ng bodyguards pero, hindi naman sila naging problema sa shooting. Maski na ang yaya, dati na niya itong kasama, hindi lang sa set ng movie. At yung trailer, can afford naman siyang magdala," pagtatanggol ni Direk Jose Javier Reyes na siya ring nag-offer ng info na makatapos sila ng shoot ay ibinigay ni Gretchen ang mga damit niya sa isa ring artista.
Ang Matakot Ka Sa Karma ay isang Horror trilogy na nagtatampok sa mga episodes na Kama, Tokador at Aparador.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended