Lahat ay pawang magaganda ang trailer tulad ng Enteng Kabisote..., Zsa Zsa Zaturnnah, Matakot Ka Sa Karma, Ligalig, Shake Rattle and Roll 8, Tatlong Baraha, SuperNoypi, Kasal, Kasali, Kasalo, at Mano Po 5.
Hinihintay na lang natin kung sino sa mga pelikulang nabanggit ang mangunguna sa takilya sa pagbubukas nito ngayong Dec 25. At salamat naman dahil malalaki ang artista ang may pelikula ngayon.
Ang nakakalungkot nga lamang ay mukhang kulang partisipasyon pagdating sa promotion ng mga pelikula ang ilang kasaling sikat na artista. Kumot sikat na sila ay hindi na sila tumutulong sa promosyon na kailangang-kailangan sa movie.
Kung sakali mang konti ang nanood sa kanilang movie, sino ba ang dapat sisihin at sino ba ang may kasalanan? Hindi porket may pangalan ka na, ay hindi ka na tutulong sa pagpo-promote ng movie at iaasa mo na lang sa iba.
Dapat full force ang effort sa lahat ng artistang involve sa movie, upang mahimok natin ang mga moviegoers na manood ng pelikula nila. Huwag natin sayangin ang panahon at oras ngayong in the mood ang taong bayan na suportahan ang filmfest sa taong ito.
Hindi katulad ngayon, kung kelan pa kayo dumating sa ganitong edad ay saka naman kayo nagkakagulo.
Sa halip, sana ay magsilbi tayong huwaran sa mga kabataang artista na susunod sa inyong mga yapak. Sa liit ba ng mundong ginagalawan natin, maglalagay pa ba tayo ng pader sa ating mga pagitan dahil lang sa simpleng bagay na maari namang pag-usapan?
Kaya wish ko ay matuto na sana sila Dawn at Gretchen na parehong magbigayan at magkapatawaran lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Pero huwag naman nating kalimutan ang mga naunang produkto ng StarStruck. Marami sa kanilang magagaling kahit na dun pa sa mga avengers.
Sayang nga lamang dahil kulang tayo ng mga producers na magbibigay ng magagandang pelikula at projects sa mga kabataang ito.
Pero ganunpaman, sa mga naunang batch ng StarStruck at sa mga mapipili pa, goodluck sa inyong lahat at sabi ngay huwag kayong mawalan ng pag-asa.
Katulad ni John Lapus na pati ako na nananahimik ay pupunahin pa ang pananamit. Nandito siya sa bakuran ng GMA. Hindi man lang ako binigyan ng konting respeto. Hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob. Ang sa akin lang ay huwag tayong magtaas ng sarili nating bangko sa pamamagitan ng pagkakanulo sa kapwa nating artista. Tapos na ang sasabihin na biro lang ito na nakasakit sa damdamin ng iba.
Anong kagandahang asal ang ipinaiiral sa mga pinagsasabi sa radio show ni DJ Mo at ng mga artistang sumasalang dito? Hindi ba puro kabastusan at kawalan ng respeto at kawalan ng paggalang?
Tapos sorry lang! Ganito na ba talaga kababa ang moralidad ng mga artista natin ngayon? Kahit na pati ang mga pribadong bagay ay ipangangalandakan pa sa buong mundo?
Nasaan na ang work ethics o pagiging responsable ng show nito?