Ara Mina, abala na sa solo concert

Umalis last December 5 si Ara Mina at Janno Gibbs patungong Europe for a concert tour na nagsimula sa Barcelona nung December 8, sinundan ng Amsterdam nung December 9 at sa Belgium kahapon. Kasama rin nila sa concert ang Barcelona-based singer-actress na si Tina Paner. Isinama rin ni Ara ang kanyang younger actress sister na si Cristine Reyes. Sa December 19 na ang balik nila ng Maynila.

Wala mang pelikulang pinagkakaabalahan ngayon si Ara, puno naman ang kanyang schedule ng dalawang regular TV show, ang Bubble Gang at isa pang show sa QTV-11, ang Family Zoo. Sunud-sunod din ang kanyang concerts abroad.

Katunayan, bago ang kanyang European concert tour with Janno at Tina, nagkaroon din siya ng series of shows sa Amerika at Middle East kaya hindi na sila halos nagkikita ng kanyang boyfriend na si Polo Ravales.

Pinaghahandaan na rin ni Ara ang kanyang first major solo concert sa Araneta Coliseum sa February 3, 2007, 8:00 p.m. na pinamagatang Loving Ara @ 15. Ang nasabing concert ay magsisilbing blow out ni Ara na magsi-celebrate ng kanyang ika-15 taon sa showbiz. Isa rin itong fund-raising show dahil ang kikitain nito ay mapupunta sa sarili niyang Ara Mina Foundation na tumutulong sa mga kapuspalad na batang may sakit.

Ang concert tickets ng Loving Ara @ 15 ay mabibili na sa halagang P1,200 (patron), P800 (lower box), P600 (upper box-a) P300 (upper box b) at P150 (general admission) sa Ticketnet - 9115555 at sa Posh -09178877674.

Makakasama ni Ara ang kanyang mga kasamahan sa Bubble Gang na sina Ogie Alcasid, Michael V., Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Rufa Mae Quinto kasama sina Jose Manalo, Jimmy Bondoc, 6Cyclemind, Sandwich at iba pa.
* * *
Ang tinaguriang Crystal Voice of Asia na si Marri Nallos ay kamakailan lamang nag-launch ng kanyang self-titled debut album na ang carrier single ay ang awiting "Mahal Naman Kita" na kinompos ni Marizen Yanesa-Soriano at unang pinasikat ni Jamie Rivera. Ang sariling version ni Marri ang popular theme song ng sinusubaybayang Korean telenovela sa GMA, ang A Rosy Life.

Ang susunod niyang single ay ang "Imagine" ni John Lennon. Ang isa pa sa inaasahang papatok na song sa kanyang album ay ang "Ikaw Pa Rin Ang Mamahalin" ni Ednay Dy. Special guest naman sa kanyang album ang singer-actor na si Juan Rodrigo na kanyang ka-duet sa classic hit na "You Are My Destiny".

Ang "Marri Nallos, The Crystal Voice of Asia" na ipinamamahagi ng Sony-BMG ay pang-limang album na bale ni Marri. Nauna na rito ang "Marri" sa ilalim ng Star Records, "Marri Nallos, Vol. 1" na ipinamahagi ng Universal Records, "Destiny" na dinistribute ng Viva Records at ang "The Christmas Album".
* * *
Kung marami sa ating mga artista ay walang mga TV at movie projects, kakaiba naman sina Bearwin Meily, Monsour del Rosario, Alwyn Uytingco, Ehra Madrigal at Cass Ponti dahil dala-dalawa ang kanilang mga pelikula na kalahok sa 2006 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko, December 25.
* * *
Sa totoo lang, marami ang naiinggit kay LJ Reyes dahil ito ang pinili ng aktor na si Alfred Vargas considering na mas marami ang mas magaganda sa kanya. Kahit kay Miss Malaysia na nakatrabaho ni Alfred sa isang bagong sisimulang TV drama na Muli ay hindi siya ipinagpalit.

Hindi ikinakaila ng dalawa ang kanilang pagmamahalan. Sana lang magtagal ang kanilang relasyon, di tulad ng iba na parating nauuwi sa hiwalayan.
* * *
Abangan ang Bahay Mo Ba ‘To bukas ng gabi sa GMA-7 na tinatampukan nina Ronaldo Valdez, Tessie Tomas, Gladys Reyes, Wendell Ramos, Keempee de Leon, Sunshine Dizon, Francine Prieto, Sherilyn Reyes, Mike ‘Pekto’ Nacua, Tiya Pusit, Dino Guevarra sa direksyon ni Al Quinn.
* * *
E-mail: a_amoyo@pimsi.net

Show comments