Sinabi rin nito na wala siyang relihiyon at hindi pa siya binyagan kaya di marunong magdasal.
"Tinutulungan lang akong mag-pray ni Joseph (Bitangcol, boyfriend niya). Kahit ang mga magulang ko ay di rin parehong binyagan. Kahit may relihiyon sa amin (Korea) na Katoliko at Buddhism ay di pa rin kami sumanib," kuwento ni Sandara.
Sa kabilang banda, wala pa siyanga naiisip na regalo sa kanyang nobyo ngayong Kapaskuhan. Hindi rin niya tiyak kung manonood siya ng SRR 8 dahil may kissing scene sina Roxanne (Guinoo) at Joseph kahit sinasabing daya lang ang halikan.
Excited nang sumama sa Parade of Stars si Sandara at siyempre, naka-costume sila ng SuperNoypi. Malakas ang laban nito sa takilya bilang strong contender ng Enteng Kabisote 3 dahil pambata din at pang-Hollywood ang dating ng movie dahil sa mga visual effects na ginamit lalo na sa eksenang time machine.
"Buong pamilya namin ay magbabakasyon at magpapalipas ng Kapaskuhan sa Europe. Magiging abala muna ako sa promo ng Shake, Rattle and Roll 8 bago kami umalis. First time akong pupunta sa Europe kaya ngayon pa lang ay excited na ako," sey ng aktor.
Kasama siya sa pelikulang ZsaZsa Zaturnnah bilang isa sa Amazona. Ilulunsad na rin ang kanyang debut album under Dyna Records ngayong January. Siya rin ang gaganap na kapatid ni Robin Padilla sa Asian Treasure ng GMA 7.
"Sobra-sobra ang biyayang natatanggap ko kay Lord. Lalo na this year. Kaya naman mahal ko ang aking trabaho at ginagalingan ko pa ang pag-arte," sey pa nito.